Unti unti kong binuksan ang mga mata ko nang maramdaman ko ang pagtigil ng van at sa mga nagbiblink na liwanag. nagyon ko lang napansin na nakatulog pala ako. Pagkabukas ko ng mata ko ay napapikit ulit ako dahil sa pagkasilaw sa liwanag na parang galing sa isang camera. Binuksan ko ulit ang mata ko at nakitang biglang nagsitakbuhan ang mga tao sa van na naguunahan sa pintuan. Natakot ako kaya tumayo din ako at nagattempt na tumakbo kaya lang parang may nakatali sa bewang at kamay ko at nang lingunin ko ito ay...."Ella!! Gumising ka nga!!" tsaka ko pinagpapapalo ang braso nya.
"BAKIT?! ANONG NANGYAYARI!?" biglang napatayo si Ella sa gulat at kaba.
"Pinicturan lang naman tayo ng mga kaservice natin dahil nakayakap ka sa bewang at hawak mo pa ang kamay ko!"
"Mga bata, hindi pa ba kayo bababa?" -manong driver
"Ay sorry po." paumanhin ni Ella at tsaka ako kinaladkad palabas ng van.
Tuluyan na naming nakalimutan ang napagusapan kanina dahil naalala ni Ella na kailangan nyang ipaalam sa driver na araw araw na syang sasabay dito sa van.
Pagkatapos nun ay dumeretso na kami sa locker. Akala ko nga ay magkalayo kami ng locker pero malapit lang pala. Nasa baba ng locker ko ang locker nya kaya pinauna nya muna akong kumuha ng gamit bago nya kinuha yung sakanya kasi nga nahaharangan ko yung llocker nya kasi nga nasa ibaba ng locker ko yung sakanya kasi nga kasi nga kasi! Dumeretso na kami sa classroom at doon muna tumambay since 7:37 palang at 8:00 pa ang start ng klase. Habang naghihintay ay nagpauso naman ng laro si Ella at sabi nya aay "Mag titigan wars tayo!".
"Ano yun?"
" Ang unang kumurap ay talo at may kondisyon na gagawin kapag natalo."
"Gets ko na. 1..2...3....go!"
Me Ella
*>_> ------ <_<*
*>_>----<_<*
Matagal na kaming nakatitig sa mata ng isatisat at walang paring natatalo. Unti unting linapit ni Ella ang mukha nya sa akin na naging dahilan ng muntik ko nang pagkurap pero mas linakihan ko pa ang mata ko
*>~>---<_<*
Ilang sandali pa ay bigla nalang akong linapitan ni Ella at hinalikan ako sa labi na nagdulot ng pagkurap ko dahil sa gulat.{•.•}
Linagay ko ang dalawa kong kamay sa dibdib ni Ella at pilit na inilayo sya sa akin pero yinakap nya pa ako kaya hindi ko na nagawang pigilin at hinayaan nalang sya. Ewan ko ba sa sarili ko. Imbis na lumayo pa ay hinayaan ko lang sya. Nang tumigil sya ay dahan nya akong tinulak papalayo at tinitigan lang ako. Nakikita ko sa mukha nya na nagulat din sya sa nangyari..more like... Sa ginawa nya. Nakatingin lang sya sa akin at nabalot kami ng katahimikan.Ilang sandali pa ay sabay kaming nagsalita. "First kiss ko yun..." wait shems...first kiss nya rin yun? Pagkasabi namin nun ay bigla nalang kaming tumawa..
"Seryoso ka ba? Lalaki ka pero first kiss mo pa lang yun?" natatawang sabi ko.
"Bakit ba, anong problema kung lalaki ako at ngayon palang nagkafirst kiss?"
"Ahahahahhahaha!"
"Ikaw nga eh... Di halatang first kiss mo pa lang yun."
"Aba bakit naman?"
"Kasi mukha kang....mukha kang prost... " nakaisip ako ng pwede nyang sabihin kaya bigla ko syang pinanlisikan ng mata.
" Ano?! Sabihin mo."
"Mukhang----mukhang ikaw yung future wife ko! Ahahahaha."
"Nye ahahaha.. Grabe nakakatawa."
Sasapakin ko na sana sya kaya lang biglang nagring yung bell.
Buuuum!Buuuuum!! (trip ko lang na ganyan yung tunog)Saktong pagka bell ay dumating na si Ms.Vath. Bago kami tumayo at bumati ng good morning ay binulungan ako ni Ella.
"Ms.Orag na lang ang itawag mo kay ma'am kasi mas gusto nya yun.""Ok." ms. Orag nalang itatawag ko kasi sabi ni Ella gusto daw ni ma'am na tinatawag na ganon e.
Pagkatayo namin ay binati na agad namin si ma'am. "Good morning Ms. Orag." pagkasabi ko nun ay napatingin saakin si ma'am ng masama. Tiningnan nadin ako ng ibang mga kaklase namin dahil nga sinundan siguro nila ang tingin ni ma'am. Tinignan ko yung katabi ko at ang loko loko ay nakangisi at nagpipigil tumawa. Nalipat naman yung atensyon ni ma'am kay Ella at linapitan ito.
"Mr. Karlos Muella Villaflor also known as Ella!" galit na sabi ni ms. Orag."Byu.." dugtong ni Ella na mas lalong nagpasama ng tingin ni ms. Orag sa kanya.
"Pati mga inosenteng transferee ay dinadamay mo sa kalokohan mo! Matuto ka namang rumespeto!" Sasabog na ata ang ulo sa sobrang galit na sabi ni ma'am.
Tinignan ko yung iba naming kaklase at ayun ..nagpipigil ng tawa. Siguro sanay na silang nakikita si Ella na napapagalitan.
1 hour and 30 minutes ang lahat ng subject at 11:00 na kaya break na namin.
Tumingin muna ako kay Ella bago tumayo at nagtanong. "Hoy Ella! Grabe ka. Muntik na akong masampal ni ms. Vath kanina." Ms. Vath na ulit kasi baka marinig ni Ma'am at tuluyan na akong masampal.
"Kasalanan ko bang uto-uto ka? XD"
"Hindi ako uto-uto. Pinagkakatiwalaan lang talaga kita. Hindi mo ba napansin na kahit sobrang ikli lang nung sinabi mo kanina ay ginawa ko parin ng walang pag aalangan? Ginawa ko yun kasi may tiwala ako sayo Ella!" I said in a very dramatic tone. I looked deeply in his eyes with a teary look. Napatayo pa kami dahil seryoso at dramatic ang tema. Sa sobrang kadramahan ay muntik na akong matawa pero napigil ko kaya napangiti lang ako sa dulo.
Tinitigan nya rin ako at hinawakan ang pisngi ko. Yung isa nya namang kamay ay hawak ang kamay ko. Naluluha na rin sya pero bigla nalang akong natawa kaya ayun...ano pa bang ineexpect nyo? Parehas na kaming tunatawa at napaupo pa nga. Para kaming sira kasi pinilit naming umiyak kasi ang dramatic nung feeling pero ngayon ay tumutulo ang luha namin dahil sa tuwa. Nang maka move on ay bumaba na kami at bumuli ng pagkain.
Pagkaupo namin ay nagsalita agad ako habang sya ay nagstart ng lamunin ang pagkain nya. "Ang galing pala nating umarte no?"
"Sumali kaya tayo sa drama?" suggestion nya
"Meron pa ba nun? E grade 11 na tayo."
"Oo naman."
"Ok." kumain narin ako.
Ilang minuto kaming nakafocus lang sa kinakain at nagsalita nanaman si Ella. "Pumunta tayo mamaya sa office ng SBC mamaya para magtanong."
"SBC? Ano yun."pagtataka ko.
"Student Body Council. Wala bang ganun sa dati mong school?"
"Ewan..siguro. Hindi ko kasi inaalam ng buo yung mga school na pinapasukan ko kasi alam ko na lilipat din naman ako pagkatapos ng isang taon."
"Huh? Palipat lipat ka pala ng school. Bakit ganun?"
"Kasi hindi ganyan." pamimilosopo ko sa gitna ng seryosong usapan
"eeee~ bakit ka nga palipat lipat."
"Mahabang storya." nakakatamad na kasi tsaka sumasakit lang ulo ko kapag inaalala ko yung mga nangyari na.
"Ok lang. Makikinig ako. Please???" sabi ni Ella habang nagpapacute kaya ayun...I started my story.
Alam na nya na binubully ako at kung anong klaseng pambubully na ang naranasan ko. Alam nya yung mga school na pinasukan ko at nagkwento narin ako ng mga experience na naranasan ko habang nasa ibang school ako. May mga oras nga na nagattempt akong mag suicide pero hindi natutuloy. Kinuwento ko narin yung sudden teleportation ko. Ahahaha minsan kasi bigla nalang akong nahihimatay tapos paggising ko nasa kwarto na ako. Kinuwento ko sa kanya ang mga wierd na nangyari sa akin. Nasabi ko yung mga panaginip ko na paulit ulit lang pero araw araw ay nadadagdagan ng scenes. Nasabi ko pa nga na ngayon ko lang ulit nafeel ang feeling na may kaibigan at kasabay mag lakad. Ngayon na lang ulit ako nakangiti at tumawa. Ngayon ko lang nafeel ang feeling ng parang walang may pake sa pagiging imperfect ko at walang nambubully sa akin. Si Ella pa lang ang nakausap ko ng ganito at napagsabihan ng nararamdaman ko. Si Ella ang una kong naging kaibigan simula nung mag 13 ako.
BINABASA MO ANG
Unetations
Short StoryEthan is girl that has a past that keeps hiding from her. She does'nt have a story like everyone else but later did she knew that there's something behind her. Secret helped her regain her memories and solve puzzles from her past. It was a long jou...