OMG!! ETO NA GAGRADUATE NA RIN AKO!!
Hindi naman ako gagraduate ng highschool o college pero nakakaexcite parin kasi syempre after 6 years ng pamamalagi ko sa elementary ay mapupunta na rin ako sa college. Ay mali, high school pala muna...wait college nga! A basta yun na yun. Habang naghihintay sa pagdating ng mga magulang ko ay nagayos muna ako ng sarili at nagpicture. May pinuntahan kasing importante kaya pagbalik na lang daw nila ay didiretso na agad kami sa school. Ilang minuto pa ang lumipas pero hindi parin sila dumadating. Tumingin ako sa orasan, 7:46 na....haaay. Nakakalungkot isipin na baka nakalimutan na nila na graduation ko pala ngayon. Wala na akong maisip gawin kundi ang ayusin ang mga gamit na dadalhin ko. Magcocommute ako papunta sa school. Magcocommute nalang ako kaysa naman hintayin ko pa sila mama na dumating at hindi makasama sa march. Wala na akong sinayang pang oras at lumabas na ng bahay. Kumaway kaway pa ako sa mga kapit bahay namin kahit naiiyak na ako kasi hindi ko kasama sila mama papunta sa school. Una ay napangiti sila sa akin pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad kaya nagtaka sila kung bakit ako naglalakad. Nahiya ako kaya tumakbo nalang ako. Suot ko na ang toga ko dahil maleleta na ako at matatagalan lang ako kung doon pa ako sa schol mag sosoot ng toga.
5 minutes din akong naglakad papalabas ng village at naghintay ng jeep. Napaisip tuloy ako kung bakit hindi nalang ako nagpahatid sa mga kapitbahay namin pero pumasok din sa utak ko na nakakahiya naman kung ginawa ko yun at baka sabihin pa nila a hindi man lang binibigyan ng mga magulang ko ng espesyal na kahulugan ang graduation ko. Pagka kita ko sa jeep na may sign ng lugar na puputahan ko ay agad na akong sumakay kahit medyo siksikan na. Agad naman silang nagsitabihin nang makita ang suot kong toga. Tinignan ko ang shoulder bag na dala ko at kinuha ang wallet sa loob at nagbayad na. Maliit na shoulder bag lang ang dinala ko. Wallet, cellphone, suklay at tali lang ang laman nun.
Pagdating sa tapat ng school ay bumaba na ako at tumawid. 4 na hakbang pa bago ako makatawid sa kabilang dulo ay napatingin ako sa kanan ko. May kotseng paparating at patuloy lang ito sa kakapeep-peep sa akin. Masasagasaan na sana ako pero nakaliko pa yung kotse sa kaliwa. Tumakbo agad ako sa kabilang parte ng kalsada at huminga ng malalim. napahawak ako sa tuhod ko at napayuko habang humihingal. Ikaw ba naman ang mapunta sa kalagayang yun. Naka-2 hinga palang ako nang may narinig akong malakas na kiskis ng mga gulong sa lupa at malalakas na tunog na sa tingin ko ay mga nagbubungguang mga sasakyan. Napalingon ako sa likod at nadatnan ang mga taong nagkakagulo at may isang sasakyang na nasusunog. Napatulala lang ako at tuloy tuloy na bumuhos ang luha. Nangibabaw ang takot sa akin. Puro apoy, usok at sasakyan lang ang nakikita ko..joke...nagskkagulo rin angmga tao sa paligid ko. Pakiramdam ko mamamatay na rin ako katulad nung mga tao sa loob ng sasakyan na nasusunog. Lumaki ang apoy dahil nahawa ang ilang sasakyan sa sunog. Napalingon ako ng bahagya sa kaliwa ang may nakitang sasakyan sa bubunggo na sa sasakyang umaapoy pero may isa pang sasakyan na humarang dito kaya sila ang nagkasagasaan.
Naging mabagal ang lahat ng pangyayari.....hindi ko na makontrol ang luha ko dahil alam ko na ako ang dahilan ng sunog. Mula sa nabanggang sasakyan ay may tumilapong tao mula sa basag nitong bintana. Dahil na rin siguro sa impact ng banggaan ay sumubsub ito at tumilapon sa ere. Nagulat ako ng mapagtanto kong papuntaito sa akin. Yung taong galing sa sasakyan ay ay papunta sa akin. Natakot ako kaya napatkbo ako sa kanan ko at nasalo ang isang matigas na bagay. Nakahiga na ako sa lupa at hirap sa himunga. Tinignan ko ang paligid ko at nakita kong sumabog na ang sasakyang nagaapoy at napatingin ako sa nakapatong sa akin. Isa ito sa mga parte ng sasakyan at may salamin ito kaya siguro ay mula ito sa bintana. Tinignan ko ang sarili ko at mas lalo pa akong naiyak dahil nagdudugo ang katawan ko. Kaya pala kanina pa ako nasasaktan...kasi natusok ako nung salamin ng kotseng sumabog. Sa puntong iyon ay napangiti na lang ako at nagpasalamat sa Diyos na binigyan nya ako ng buhay at naranasang maging tao. Unti unting nagdilim ang paligid at alam ko na na oras ko na siguro iyon. Pinikit ko na lng ang mga mata ko at humiling na sana walang iba pang masaktan.
Unti-unti akong ginigising ng malamig na hanging dumadapo sa aking balat mula sa magulong panaginip na tila ang kahit kailan ay hindi sapat upang mabatid ang sikreto sa likod ng unan.
Naramdaman ko ang init ng araw sa aking balat. Unti unti kong iminulat ang aking mata.
"Ang sarap ng tulog ko!"nasambit ko para kahit papaano ay maibsan ang sakit at lungkot na hindi ko alam ang pinagmulan.
Ramdam ko ang lambot ng kamang hinihigaan ko ngayon.
Tumayo ako ng dahan dahan at hinawi ang kurtina at binuksan ang bintana ng aking kwarto. Ang sariwa ng hangin. Ramdam ko ang lamig ng hangin na pumapalibot sa akin. Alam kong kailangan ko nanamang lokohin ang sarili ko na masaya ako at subukang tiisin ang sakit ng kaluluwa ko.Dahan dahan akong tumayo at tinitigan ang kama ko na gabigabing nagbibigay ng panaginip na paulit ulit lang naman. Paulit ulit kaya mas gusto kong malaman kung bakit. gabi gabing nadadagdagan ang storya ng panaginip ko kaya naman minsan ay pinipilit ko ang sarili kong matulog kahit umaga para naman ay malaman ko ang susunod na pangyayari sa panaginip ko. Ano nga kaya ang meron sa panaginip ko. Sana ay malapit na ang panahong malalaman ko ang lahat ng tungkol sa sarili ko pati narin sa pamilya ko. nakakapagtaka kasi na hindiko alam kung sino ang magulang ko kaya gumagawa nalang ako ng storya tungkol sa kanila. hindi ko maintindihan ang buhay ko. Ikaw? naiintindihan mo ba ang buhay ko? e ang buhay mo naiintindihan mo ba?
BINABASA MO ANG
Unetations
Krótkie OpowiadaniaEthan is girl that has a past that keeps hiding from her. She does'nt have a story like everyone else but later did she knew that there's something behind her. Secret helped her regain her memories and solve puzzles from her past. It was a long jou...