Kakadating ko lang sa bahay at kasalukuyang binubuksan ang gate. Nakalock na kasi eto. Simula nung mamatay ang parents ko palagi na akong tinutulungan ng mga kapitbahay namin. Nagdadala sila minsan ng pagkain at iniimbita ako sa kung saan saan. Nakakapunta ako sa ibat ibang lugar dahil sa kanila. Kaya hindi na ako nagugulat kapag nakalock ang gate ng bahay paguwi ko, sigurado na akong sila ang naglolock nito.
Ilang sandali pa at nainip ako kasi ayaw bumukas nung padlock. Napapagod na ako at medyo nagdidilim na ang paningin. Feeling ko magbablack out na ako pero syempre hindi mangyayari yun kasi nga healthy ako. Nabuksan ko na ang gate ng biglang nagdilim ang paningin ko. Nararamdaman kong parang matutumba na ako pero parang may humaharang sa likod ko sna matumba kaya nakatayo parin ako.
Puro kadiliman lang ang nakikita ko. Iminulat ko ang mata ko pero wala talaga akong makita. Para akong tinutulak papalayo pero nandito parin ako sa kinatatayuan ko, unti-unti akong lumulutang at nabalot ako ng pagtataka at kaba.
Angtagal kong nakaganto hanggang sa pakiramdam ko ay naiiyak ako. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. Yung isang parte ng utak ko ay nagagalit at yung isa ay masaya. Hindi ko maintindihan. Bakit ako nagagalit? Feeling ko natalo ako. Nakakapagod------(Sa kawalan ay may biglang nabuhay na kaluluwa. Para bang kakagising lang nito sa isang napakasamang panaginip.)
___________________________
-Ethan-
Iminulat ko ang mata ko
Grabe namiss ko yung feeling na to. Yung lamig ng hangin. Pumasok na ako sa bahay ko at linock ulit ang gate. Nakakaiyak. Naiiyak ako sa sobrang tuwa.Uupo na sana ako sa sofa ng makitang gulong gulo ang bahay. Grabe sya.....alam nya naman siguro na hindi nya to bahay pero hindi man lang sya nahiya at ginulo pa ito. Naglilinis ako nang biglang tumunog yung phone ko.
(nakakapagtaka pero tila ba ay nabigyang muli ng pagasa at kalayaan ang isang taong mabuhay ng saglit pa)
May tumatawag na unknown number. Agad ko naman itong sinagot.
[Ethan my loves!]
"excuse me? Who are you?"
[Si Ella to. Save mo number ko ah.]
"How did you get my number?"
[secret ko na lang yun, kamusta ka na nga pala?]
"eto Maganda parin---at healthy."
[teka, bakit parang humangin ata ng malakas?]
BINABASA MO ANG
Unetations
NouvellesEthan is girl that has a past that keeps hiding from her. She does'nt have a story like everyone else but later did she knew that there's something behind her. Secret helped her regain her memories and solve puzzles from her past. It was a long jou...