Advice

4.5K 22 4
                                    

Nagkaron ka na ba ng crush o kaya taong nagustuhan mo?

Ako kasi oo. Nagkaron na ako ng crush kaya nga lang mga ilang linggo pa lang na crush ko siya hindi na agad pwede. Hindi ko alam kung gusto ko na ba siya o crush lang.

Hay.

Alam niyo ba ang crush ay isang paghanga lang pero paminsan minsan pag naging malapit ka dun sa 'crush' mo nagiging like na pero kung mas magiging malapit kayo pwede na yang maging pag-ibig.

Ang saya sigurong maging boyfriend/girlfriend ang taong hinahangaan mo. Magiging proud ka pa dahil noon crush lang hanggang tingin lang, pero nung naging bf mo na, kahit kelan mo gusto pwede mong tingnan, pwede mong titigan kahit gano katagal, kung pwede nga lang tunawin mo na sa titig eh.

Pero pano naman kung hindi yun ang nangyari sainyo ng crush mo o taong gusto mo? Sabi nila pag crush lang madali lang kalimutan yung paghanga pero sa iba naman nasasaktan kasi maaaring gusto na nila yung taong yun(crush).

Kaya kung may mga kaibigan kayo na may crush o taong gusto, pag umiyak sila o nalungkot dahil dun intindihin niyo na lang :)

Kung umiyak sila o nalungkot dahil sa crush nila, yung iba dyan, wag niyong sabihing ang babaw nila dahil umiyak sila dahil sa crush nila. Kahit naman kasi crush lang yun, may rights parin silang umiyak o malungkot dahil maaaring gusto na nila yung crush nila o iba pang special feelings. Nakakalungkot din kasing malaman na may ibang gusto si 'crush' eh. Siguro, oo iiyak yung iba dyan dahil sa crush pero minsan panandalian lang yun dahil pwedeng may maging bago silang crush ulit. Hehe :)

At dun naman sa mga taong may gusto sa isang tao at nalaman niyong may ibang gusto yung taong yun. Masakit syempre gusto mo yung tao eh, tapos malalaman mong may ibang gusto. Saklap lang! Pero anong magagawa mo? Iba yung gusto niya eh, kaya sa ayaw at sa gusto mo.. Deal with it. Oo, iiyak kayo dahil nasasaktan kayo, pero ano naman ang mangyayari kung iiyak na lang tayong mga babae dahil sa hindi tayo gusto ng mga taong gusto natin? Wala diba? It will take time para matanggap mo yun at pag nakamove on kana pwedeng may lalaking dadating sa buhay mo para pasayahin ka :) . Kaya girls (or boys. Kung meron mang nagbabasa na lalaki) umiyak na lang kayo pag nalaman niyong may ibang gusto yung taong gusto niyo pero sa una lang yun dahil kailangan niyo din magmove-on dahil walang mangyayari kung iiyak ka lang ng iiyak. Everybody deserves to be happy :)

PS: Masakit talaga magkagusto sa isang tao at hindi ka gusto ng taong yun pero you need to take all the risks. Wag kayong mag-alala meron namang tamang tao na dadating sa buhay niyo para pasayahin at mahalin kayo.

Bakit ang emo ng friends ni Otor? Haha

Random Quotes, Advice and Pick Up LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon