Love </3

3.6K 23 3
                                    

"LOVE"

Napaka-makapangyarihan ng pag-ibig. Kahit ano kayang gawin nan. Minsan kung kinakailangan mong itaya ang buhay mo para lang sa taong mahal mo, itataya mo.

Kayang gawin ng pag-ibig ang lahat. 

Kung kinakailangan mong makipagpatayan para sa mahal mo, gagawin mo.

Masarap magmahal lalo na kung mahal ka din ng taong mahal mo. Masarap ang feeling na may nagsasabing "I Love You" "I Miss You" "Ingat ka papakasalan pa kita".

Masaya kasi meron isang tao na sasamahan at dadamayan ka sa lahat ng problema. Meron isang tao na iintindi sayo at kung hindi niya maintidihan pinipilit niya parin intindihin ka at hindi ka iiwan.

Masarap magmahal pero kabaliktaran naman yun sa iba.

Yung iba sinasabi "Hindi ako naniniwala sa pag-ibig" "Hinding hindi ako maiinlove" "Sakit sa ulo lang yang pag-ibig na yan" at higit sa lahat "Walang kwenta yang pag-ibig na yan, masasaktan ka lang".

Karamihan ganun ang sinasabi nila dahil siguro sa mga karanasan nila sa love. Yung iba naman sawi.

Masakit naman talaga ang magmahal pero hindi ka mahal ng taong mahal mo. Masakit kasi mahal mo na siya pero hindi mo masabi sabi sakanya. Masakit kasi mahal mo na siya pero hindi ka man lang niya kakilala o mahal mo siya ng patago. At masakit dahil sinabi mo sakanya na mahal mo siya pero balewala lang sakanya. Masakit man pero kailangan mo tanggapin.

O minsan yung iba naman nagmahal ng totoo pero niloko lang sila kaya natatakot na silang magmahal ulit dahil ayaw na nilang masaktan pa pero kahit na natatakot na silang magmahal ulit, dadating pa din ang oras na maiinlove ka at sa pagkakataong iyon mas matututunan mo pa ang word na "Love".

Yung iba naman naging bato na yung puso dahil sobra talaga silang nasaktan dahil sa nakaraan nila pero eto lang ang tandaan niyo meron parin na lalake/babae na makakapagpalambot ng bato niyang puso :)

Oo, inaamin ko minsan tinatanong ko ang sarili ko kung bakit kailangan masaktan pagdating sa pag-ibig.

Sinasabi ko sa sarili ko "Hindi ba pwedeng lahat na lang masaya?" "Hindi ba pwedeng hindi na lang masaktan?" "Hindi ba pwedeng kapag mahal mo ang isang tao mahal ka rin niya?" "Hindi ba pwedeng wala na lang iwanan/break up?" ang daming tanong. Pero minsan nalalaman ko rin kahit papaano ang sagot sa mga tanong na yun.

Sa pag-ibig pala hindi pwedeng laging masaya dahil dadating at dadating ang mga oras na malungkot kayo. Walang permanent sa mundo, lalo na ang "Happiness".

At kailangan din natin masaktan pagdating sa pag-ibig dahil kailangan din natin matuto sa pag-ibig. Kailangan natin matuto sa lahat ng bagay bagay at kailangan alam din natin kung sino ang pagkakatiwalaan natin.

At hindi rin pala pwedeng kapag mahal mo ang isang tao dapat mahal ka rin niya dahil meron naman isang tao na mamahalin ka katumbas ng pagmamahal mo sakanya o maaaring mamahalin ka niya higit pa sa pagmamahal mo sakanya.

At hindi pwedeng hindi ka iiwan ng taong mahal mo dahil meron naman siguro na lalake/babae na hindi ka iiwan at sasamahan ka habang buhay at deserving mo.

At ang huli "Break ups". Eto na siguro ang pinakamasakit sa lahat. Ang break up dahil mawawalan na kayo ng komunikasyon. Pagkatapos ng break up niyo parang strangers na lang kayo. Parang wala kayong pinagsamahan (minsan). At ang pinakamasakit na break up ay ang niloloko ka lang niya kahit nung kayo pa at ang worse pangit yung pinagpalit niya sayo.

Grabe! Ang lakas ng loob ipagpalit ka pero yung pinalit sayo mukhang hipon/shokoy pa!

Sabi nga nila..

"Kung ipagpapalit mo ako. 

Siguraduhin mong iiyak ako, 

Hindi yung tatawa ako"

Bakit tatawa? Kasi yung pinagpalit sayo wala pa sa kalingkingan mo or should I say Panget. O diba? Imbis na umiyak ka, tatawa ka pa. Pero syempre kung minahal mo talaga andun parin yung sakit at pighati.

Mahal mo eh. Pero ano magagawa mo? Malay mo hindi lang talaga siya yung tamang person para sayo.

Never give up in the name of love.

----------------------------------------------------------

Mga kaechosan ng kaibigan ni Otor hahaha.. 

Random Quotes, Advice and Pick Up LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon