Untitled Part 3

5 0 0
                                    

CHAPTER 2

Wala na siyang magagawa, she have to use her acting skills.

"Please, pag usapan nalang natin ito, just erase that pictures.." aniya na sinadyang dramahan ang boses. Ang baliw na lalaking ito, siguradong headline siya kapag nilabas nito sa publiko ang mga litrato niya. Magugulo nanaman ang mundo niyang matagal ng magulo at dahil lang sa baliw na kapreng lalaking ito?

Pero tila walang effect ang arte niya, tila mas naenganyo pa itong asarin siya. Isang nakakalokong ngisi ang namutawi sa mga labi nito.

"since nawalan na ako ng ganang puntahan ang dapat kung puntahan, and you want to pay for the damages..." sinadya nitong bitinin ang sasabihin at unti unting lumapit sa kanya. Ikinulong siya nito sa dalawang braso nito habang nakasandal siya sa kanyang sasakyan.

"Why don't we go somewhere else and do something else." Dugtong nito sa pinaka nakaka inis na ngising nakita niya.

"Bastos!!" Kahit tinotopak na siya ay hinding hindi siya papatalo sa kapreng ito. Walang pasabing inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ng lalaki na tila ba hahalikan niya ito pero ng gahibla nalamang ang agwat ng kanilang labi, isang mapangahas na hakbang ang kanyang ginawa. Tinapakan niya ng sobra ang mga paa nito. Sa tindi ng sakit na nkita niya sa mga mukha nito, sigurado siyang nasaktan ito. Agad siyang pumasok sa loob ng sasakyan niya at pinaharurot ito.. Sa sobrang inis, sinadya niyang sanggiin ang mamahalin nitong kotse.

"buti nga sayo, ha, siguradong tatakbo ka sa orthopaedic." At isang malutong na tawa ang kumawala sa kanyang bibig. Mangungumpisal na lang siya mamaya kila madre superyora pag dating niya sa Hospicio de la guardia.

"Ysabelle Mendez. An actress, handled by Mr. Lauren Sy for 9 years, he's one of the well-known talent manager in show business, she's 24 years old, she live in the manila Tower, room 2206. About her personal background, im sorry sir, it's classified. Nakakapag taka para sa isang artistang katulad niya pero mukhang inasikaso talagang maigi ang personal background niya." Mahabang lintanya ng inupahan niyang private investigator. He admit, apektado talaga siya sa babaeng umapak sa kanyang paa. 1 week na ang nakakalipas pero lagi niyang naiisip ang mukha ng dalaga at masakit pa rin ang kanyang paa na kinailangan niyang ipatingin sa kaibigan niyang doctor.

"so the name is Ysabelle." Hindi niya alam kung amused lang siya sa dalaga o talagang apektado lang siya sa ginawa nito. Iinisin lamang sana niya ng sobra ang babae kaya siya umakto ng ganon, pero mas nagulat siya sa ginawa ni Ysabelle. It's his first time na matulala sa isang babaeng hahalik sa kanya. Akala niya talaga ay hahalikan siya ng babae.

"Kung itinuloy mo iyon, maybe were good as of now" di mapigilang bulong niya sa sarili.

"yes sir?" Bahagya siyang nagising mula sa pag mumuni muni ng marinig ang baritonong boses ng lalaking nasa harapan niya.

"I said, It's find. Ang mahalaga, I know where I will get—I mean see her" Iyon lang at inabot na niya ang brown envelope bilang kabayaran sa serbisyo nito.

"If anything you want me to do, I hope you'll call me" anito at umalis na.

Now he have the time to inspect the big envelop in his table given to him by the private investigator. Punong puno ito ng mga stolen shot ni Ysabelle. Napansin niyang simple lamang talaga itong mag ayos. Hindi iyong tipong tabunan na ng make up ang mukha. Isang litrato ang pumukaw sa kanya ng pansin, naka upo ito sa isang fountain, nakasuot ng sombrero at sunglasses, kumakain ng burger katabi ang isang batang sa tingin niya ay street child. Pero mas nahumaling siya sa sumunod na litrato, naka focus sa mukha ng dalaga, nakatingin ito na tila alam nito na kinukuhanan siya ng litrato. Iyon lang at isang plano ang nabuo sa isip niya.

"I will be your sweetest nightmare, Ysabelle." Deklara niya na sinabayan ng payak na halakhak.

Sa isang sulok, abalang nag hahanap ng file ang isang babae, sekretarya siya ni Yuan.

"Aba, himala, tumatawa si poging sungit" Naku, kung hindi lamang ito ubod ng gwapo ay hinding hindi siya tatagal ditto bilang sekretarya.

untitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon