Untitled Part 4

4 0 0
                                    

CHAPTER 3

Kung ilang minuto na siyang gising ay hindi niya alam. Paunti unti ay umaagos pa rin ang kanyang mga luha. Isang panaginip nanaman. Matagal na rin ng huli niyang napanaginipan ang tagpong iyon. Labing limang taon na ang nakalipas.

15 years ago

"A-ate.." nag susumamong bigkas ng batang isabelle na noo'y siyam na taong gulang pa lamang.

"Isay, kailangan ko itong gawin.., mas.. mas magiging Masaya ka dito" Ani ng ate niya na si ana. Nasa harap sila ngayon ng isang ampunan. Madilim at malamig pero mas nananaig pa rin ang takot na mag hihiwalay silang mag kapatid. Tumakas silang mag kapatid mula sa tiyahin nila na kapatid ng kanyang ina na masahol pa sa hayop ang trato sa kanila. Ilang araw na din silang nag palaboy laboy hanggang sa may nag tangkang gumawa ng hindi maganda sa kanya.

Walang babalang kinuha ni ana ang kamay ng bunsong kapatid. Inilagay nito sa kamay niya ang kalahating singsing. Kaisa-isang singsing iyon ng kanilang ina. Na kahit anong pag hihirap nila ay hindi kayang isanla o ibenta ng kanilang inay. "Babalikan kita, tandaan mo iyan." Isang mahigpit na yakap at Iyon lang, patakbo na itong umalis. Walang nagawa ang musmos na batang babae kundi umiyak ng umiyak. Kasabay ng pag iyak ay unti unting pumapatak ang ulan.

"Ate, paano na ako, natatakot ako, ate!..." Bakit ba kasi namatay ang nanay nila. Masaya silang mag iina noong nabubuhay pa ito kahit na nag hiirap sila. Hindi nila nakagisnan ang ama. Tanging sa larawan at pangalan lang nila kilala ang ama. Hindi nila alam kung anong klaseng tao ito o kung may pamilya pa ito. Ang sabi ng kanyang lola noong nabubuhay pa ito ay pilit daw na pinag lalayo ang mga magulang nila ng pamilya ng kanilang ama. Isang araw, habang tumatakas ang mga ito kasama silang mag kapatid, naaksidente ang sinasakyan nila. Tanging ang kanyang ama lang ang binawian ng buhay dahil prinotektahan sila nitong mag iina. Muli, naisip nanaman niya ang isang bagay na lagging sumasagi sa isip niya tuwing naaalala ang kaniyang ama. Kung sana ay hindi na hindi tumutol ang pamilya ng kanyang ama sa relasyon ng magulang niya. Baka sana buhay pa ang kanyang ama, sana ay hindi namatay ang kanyang inay sa sakit at pag hihirap. Sana ay wala siya sa harap ng ampunan, sana na mag kakasama pa rin silang mag anak.

"Itay.." Dahil na rin siguro sa samutsaring emosyon, takot, lungkot, galit pati pagod. Unti unting iginupo ang musmos na katawan ng batang babae. Unti unting dumilim ang kanyang paningin at nawalan ng malay.

Present

Napapikit siya ng mariin. Parang napaka sariwa pa kasi ang mga ala alang iyon.

"Where are you ate?."

Lumipas ang isang lingo, mga buwan at taon, hinintay niya ang kanyang ate. Subalit kinailangan ng lumipat ang ampunang kinalalagyan niya. Kasabay noon, tila natuto na rin niyang tanggapin na hindi na kailan man mag babalik ang ate niyang si ana. Isang pamilyar na ingay ang gumalantang sa kanya. Her phone ringtone. Wala man sa mood, she push the answer button. It's her manager, ang taong bumago ng tadhana niya.

10 years ago, nag shooting ang isang pelikula sa bahay ampunan kung saan sya lumaki. Sa unang pag kikita pa lamang nila ay pinuri na siya nito dahil sa maganda daw niyang mukha. Nalilito man at wala siyang muwang ng alukin siya nitong maging talent siya, iisa lang ang nag tulak sa kanya upang pumayag, ito ay ang kumita ng malaking pera at mahanap ang kanyang ate ana. Sa umpisa ay singit singit lamang siya, hanggang sa tuluyan na siyang mapansin sa larangan ng showbiz. Iyon daw ay dahil sa kakaibang karisma ng maamo niyang mukha at sa misteryosong pag katao. Kilala siya bilang napaka tahimik at pribadong artista sa bansa. The media tagged her as "The mysterious angel". Kahit na kulang siya sa height natatakpan daw ito ng kanyang aura ayon sa kanyang manager. Sa kasalukuyan, sino ba naman ang mag aakalang minsan ay namalimos siya sa kalye. She lives with her dreams. She's famous and rich but still, she want something., it is to find her sister.

"Manay?" huli na ng marinig niyang paos ang boses niya

"Hey, umiiyak ka ba?" nananantyang tanong ng kausap niya.

"kagigising ko lang kasi. What's new?" pag babago niya ng usapan

"Prefer on Friday, you'll attend a party."

Isang pinal na utos iyon, alam niya. Marahil sinadya nito iyon dahil alam nitong ayaw na ayaw niyang uma-attend ng party. Weird man pero, kahit sampung taon na siya sa buhay artista hindi niya nakasanayang makipag bonding sa kapwa niya artista ng walang dahilan o para sa image lang niya. May mga malalapit din siyang kaibigang artista pero mabibilang lang. She do not want show business eats her whole life. Mas gusto niyang makisama sa mga "normal na tao" .

"What party?"

"You'll be attending a big studded party. ..."

Nananana blah blah blah, then kaboom. Isang matabang na "ok" nalang ang namutawi sa kanyang bibig. Hayyyy..

�8\J,]��=f�#

untitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon