Chapter 3

38 0 0
                                    

Chapter 3  

Gine's Point of View

"Hindi porket umiyak ka dahil sa isang lalaki eh you're so pathetic na. Umiiyak ka kasi nasaktan ka dahil umasa ka sa isang paaasa na di ka naman pala kaya panindigan tandem pa na  pinaglauran ka pa nila ng akala mo bestfriend mo na." Audrey told me while tapping my shoulders.

"Pero bakit ganun? *sniff* ganun na ba ako di pinagpala *sniff* sa pag ibig?" umiiyak pa rin ako hanggang ngayon, nakayuko ako sa table. at nasa tapat ko naman si Audrey

I heard Audrey gave me a deep sigh kaya tinignan ko sya, she's staring back at me. "Caeli.. alam mo ba naiinis ako sayo."

"B-bakit naman?"

"Kasi ganyan ka.."

"Dahil tanga ako?"

Tumayo siya at tumabi sa akin. "Sorry Audrey" sabi ko then yumuko ulit ako.

Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap "No. Naiinis ako kasi hinahayaan mo silang saktan ka nila like it's a normal thing. Kami nga ni Theo di ka namin kayang saktan kasi we know that Yes, you are brave enough but still you are fragile. Malakas ka lang tignan pero we know na deep in your heart, you are not that they-so-called-tiger."

Lalo akong umiyak. Andito kami ngayon sa McDo and I don't care kahit pagtinginan kami ng mga tao.

Nag usap na kami kanina at I've decided na ikwento na sa mga best friends ko ang nangyari. Si Theo? Wala pa naman dito.  

"Tahan na Caeli.." sabay abot sa akin ni Audrey ng tubig. Ininom ko naman yun kasi I can't breathe dala na ng sobrang pag iyak.

"Now, tell me anong nangyari kanina nung nag usap kayo ng Francis Jero na yan." while she's looking at me like my mom talking to me.
I just gave her a deep sigh and started narrating what happened earlier..

*Flashback 3hours ago*

To : FJ

See you sa Coffee shop malapit sa university.  

Nagpunta ako sa napag usapan naming lugar. I know it's already time  for us to talk.. to have a closure...

Closure nga ba? Hindi naman naging kami.

Nauna akong nakarating for I know late talaga yun darating. Umorder ako ng Frappé at umupo sa pinakadulong couch para naman pag nag usap kami ni Francis mamaya walang masyadong makakarinig. Nakakahiya pag pinamukha niya na wala akong karapatan maging ganito.

30 minutes na ang lumipas. Pero wala pa rin siya. Napipikon na ako rito. Ayaw ko sa lahat ang pinaghihintay ako, dahil di ko ugali ma-late sa usapan except talaga sa pagpasok sa school.

"Last 10 minutes" bulong ko sa sarili ko habang tinitignan wrist watch ko.

Naghintay pa ako dun saglit. Pero after 10minutes wala pa rin talaga.

I got my bag and paalis na ako ng coffee shop ng may biglang pumasok. Tinignan ko lang siya at diretso na ako palabas nang bigla niya akong kinausap.

"Gine, He told me that he's not coming so Ako ang pumunta dito para kausapin ka. Let's talk"

Napahinto lang ako sa sinabi niya and looked at her.

"Sure." I said with a smirked drawn in my face.
Naglakad naman agad siya papunta sa dulong table na pinang galingan ko. Umupo siya dun at umupo ako sa tapat niya.

"Now spill it out." sabi ko sakanya.

"Whoah. Chill Gine. Order muna tayo" then she smiled and tumayo papuntang counter.  

We Are Never EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon