Chapter 7

19 0 0
                                    

Chapter 7

Caeli Gine.

"Kawawa naman yang Fettuccine sa ginagawa mo Gine." sabi ni Audrey sa akin while leaning on the table.

I just shrugged at pinagpatuloy ko ang pag harass sa fettuccine na nasa harap ko.

Andito kami ngayon sa pool side ng Villa nila Zeus kung saan masayang nag swimming ang mga kasama namin at ako naman kumakain na lang ako para di ko mapatay si Aurora na kanina pa nagpapansin.

She's getting into my nervs! Alam na alam niya kung paano ako iinisin.

"Audrey! Gine!"

Napalingon agad kami sa tumawag sa amin. Si Theo. Agad naman siya lumapit sa amin.

"Ano na? Swimming na rin kayo! Sayang naman mga suot niying swim wear." pag aaya sa amin ni Theo papuntang pool.

Lumingon ako sa pool, nagkakatuwaan sila. Enjoy na enjoy si Farrah, Zeus, Kuya Zaine, at Theo. Yung impaktang Aurora na yun, nag sun bathing naman. She's wearing a black two piece and sunnies.

Matusta ka sana Aurora. I gasped in my mind.
"Nah. Im too good here" sabi ko kay Theo at Audrey because they're both looking at me.

"kahit dun ka lang sa pool side Gine please" Audrey pleaded.

As if I know kaya niya gusto sumama kay Theo kasi andun ang kuya ko.

Tinignan ko ng matalim si Audrey which made her give up in nagging me na pumunta dun.

I was left in my own bubble. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Di ako naka swim wear. I was just wearing a shirt and shorts. Lahat sila naka swim wear.

Naglalaro sila sa pool. Buhat ni Theo si Farrah sa balikat niya at ganun din si Kuya Zaine kay Audrey, parang palakasan sila kung sino ang matutumba siya ang talo. Si Zeus naman nasa sulok lang ng pool pero nakikitawa sakanila.

"Caeli?"

Agad ako napalingon sa nagsalita.

"Ate Zoeeeeeeee!"

And she walk towards me then we hugged which for I know stopped Kuya Zaine sa laro nila.

Tama ang hinala ko. Paglingon ko sakanila, nakatingin silang lahat sa amin.

"Hi Ate Zoe!" bati naman ni Theo habang umahon siya sa pool.

Lahat sila lumapit sa amin except si Aurora na busy pa rin sa pagtutusta sa sarili niya sa araw. Ate Zoe wore her perfect smile.

Napatingin ako kay Kuya, iwas tingin niya at nakaupo siya sa isang bench habang kami andito, nakapalibot sa table. Naalala ko yun sinabi ni Kuya Zaine sa akin about sa nararamdaman ni Ate Zoe.

Kumakain na sila Audrey at Zeus, si Theo naman kausap si Ate Zoe, at yung magpinsan na sina Farrah at Aurora biglang nawala. Kaya nilapitan ko na ang kuya ko, nagdrama na naman yun for sure.

"Kuya, you okay?" sabi ko then umupo ako sa tabi niya.

He's staring blankly sa dagat na nasa tapat namin. Tumingin na lang din ako dun. I guess he's not in the mood to talk. Totoo nga ang sabi ni Theo, si Ate Zoe yung tinutukoy niya na magpapatahimik kay Kuya.

I cut the silence, "Affected ka sa presence ni Ate Zoe? Kung gusto mo kuya, uwi na lang ta-"

"Hindi." tipid niyang sagot. And I heard he gave me deep sigh.

Nagulat na lang ako ng inakbayan ako ni Kuya at nilapit sakanya. Napasandal na lang ako sa balikat niya.

"Alam mo Gine? Dapat natin harapin ang mga bagay na nagbibigay sakit sa atin."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

We Are Never EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon