Tumakbo ako papunta sa may garden. Iyak lang ako ng iyak, buti na lang at uwian na. Wala na masyadong tao. Hindi ako naabotan ni Kyla, ang bilis kong tumakbo. Gusto ko ng lumayo.
'Kyla calling'
'Kyla calling'
'Kyla calling'
'Kyla calling'
'Kyla calling'
Nakailang miss call na si kyla kaya tinext ko na lang sya na huwag na syang mag-alala
From Ky:
Just call me if you need me. K
ang bilis naman byang mag-reply. Oo nga pala, gabi na. Uuwi na ako. Namamaga na yung mata ko.
Naglalakad na ako pauwi habang pinupunasan yung luha ko.
Nung napadaan ako sa parking lot nakita ko si Lance. Buti wala na yung babaeng yun!
Lalagpasan ko na sana sya kaso hinabol nya ako. Ano naman bang balak nito?
"Khate, I need to tell you something"
"Me too.'' Sabi ko na para bang naluluha
"I think we need to end our fake relationship"
"Yan nga yung gusto ko sabihin sayo e. Gusto ko nang itigil ang pekeng namamagitan sa atin. I know na tinitake for granted mo lang ako at kung bakit mo ko pinakilala bilang gf sa daddy para magkaroon ka lang ng confo. Ang unfair mo no? Pero alam mo isa lang talaga akong malaking tanga na patuloy na umaasa na mahalin ako ng taong gusto ko. Pero hindi e. Yung taong gusto ko ay may mahal ng iba. Pero sana noon pa sinabi mo na kasi patuloy pa rin akong umaasa e. Pero alam mo yun? Ang sakit sakit e. Alam masaya na kayo sa palagay nyo ngayon. Isa lang kasi akong malaking MH sa inyo ni Vianca e. Alis na ako baka makita pa ako ng GIRLFRIEND mo!" Tulo pa rin ng tulo yung luha ko. Parang ayaw tumigil. Pinunasan ko yung mata ko at tumakbo hanggang makarating sa bahay. Hindi na ako kumain. Nagmukmok lang ako buong gabi. At dumaan ang isang linggo ganun pa rin ako. Buti wala si ate at mommy dito nagpunta ng US. Alala pa rin si kyla sa akin hanggan ngayon.
Ba't ba? Ba't ba ang hirap mag move on? Khate pls. Mag move on kana!
Lumipas ang mga araw at unti unti na akong nakamove on. Pero kunti nga lang. Pero ang advantage nun, naging masaya na ulit ako. Nakikipaghang out na rin ako kasama si kyla. Nung tinanong ko si Kyla kung bakit ang hirap mag move on ang sagot nya ay 'kasi mahal mo pa rin sya'. Tignan nyo parang expert?
Nandito na ako sa classroom. Kahit na naglelecture yung guro namin lutang na lutang yung isip ko kaya naisipan ko na lang matulog. Nag excuse kasi si Kyla. Inataki ng red blood.
Lumipas ang oras na hindi ko namalayan na uwian na pala.
Nung pagkagising ko. Wala na akong masyadong makita. May sunog! At natrap ako dito sa loob. Ubo na ako ng ubo. Sinubukan ko pa rin humingi ng tulong pero hindi ko na kinaya inaataki na ako ng hika ko. Hindi na ako makahinga. Unti unti na rin nawala ang paningin ko hindi ko na kaya. Nanghihina na ako.
Kyla's POV
Nasan na ba si Khate. Kanina ko pa sya hinahanap e. Nasan na yun? Nag excuse kasi ako kasi inataki ako ng red blood. Baka nakatulog yun sa classroom. Hindi naman kasi sya nagrereply e.
"Sunog!" Sigaw nung isang estudyante
What? sunog ?
"Saan?" Tanong ko sa estudyante
"Kumalat na . Pero nagsimula ito sa room ng Section one ng fourth year" sabi nya sabay takbo
What? andun si khate e. Mayhika yun e. Baka atakihin sya. Ano na gagawin ko? Umiiyak na pala ako ngayon. KHATE!
"Khate!" Iyak pa rin ako ng iyak. Khate! Sana wala ka sa loob. Khate nasan ka na?
*sob sob*
*sob sob*
"Kyla, ba't ka umiiyak?" Si Lance pala 'to. Baka matulungan nya ako
"Lance si Kh-khate nasa classroom" sana walang masamang mangyari sa kanya
"What? Diba nasusunog yun?" Nakita ko na nag-aalala sya.Tumango na lang ako at patuloy pa rin sa pag-iyak.
Agad na tumakbo si Lance at...
Pumunta sa classroom ng section one? What? Si Khate!!!
Lance POV
Nasaloob si Khate kaya tumakbo agad ako. Buti na lang at nakapasok ako. Agad kong tinakpan ang baba ko ng basang panyo at patuloy na hinahanap si Khate.
"Khate!" Sigaw ko at nung tagtingin ko sa gilid nakita ko si Khate na parang wala ng malay agad akong tumakbo pero may nahulog na kahoy na puno ng apoy. Tinalunan ko na lang iyon at agad syang pinuntahan at binuhat
"La-Lance" Nanghihina na sya
"Huwag kang mag-alala khate ililigtas kita" yang lamang yung nasabi ko.
Agad akong lumabas pero may nahulog na kahoy ulit na puno ng apoy kaya naisipan ko na sa gilid na lang dumaan. At nang paglabas ko ay sinalubong kami nina Kyla at John. Agad naming sinugod sa Ospital si Khate at dumiretso sa ER. Nandito lang kami sa labas at iyak pa rin ako ng Iyak at kinucomfort naman ako ni John. maya maya pa dumating na ang mommy ni Khate
"Khate!" Sigaw ng mommy nya ng pumunta malapit sa pinto ng ER. Iyak pa rin sila ng iyak at pati na rin ako. Nahihiya akong magpakita sa mommy ni Khate kaya umalis na lang ako at umuwi.
