Kahapon pa ako nagmumukmok rito. Hindi kasi mawala yung nangyari sa isipan ko e?
Pero bakit ganun ang sakit parin?*Toktok*
Katok ng isang tao sa pinto (malamang!). Kasi alam nyo, simula kahapon ay hindi pa ako kumakain. Hindi kasi ako makaramdam ng gutom e? At ngayon magtatanghali na.
"Pasok po, bukas po yan!" pumasok si mama dito sa kwarto ko.
"Anak, bakit hindi ka pa kumakain, kagabi ka pa ganyan ha?" Pag-aalalang sabi nya
"May maghahatid dito ng pagkain mamaya khate, kumain ka na or else..." hindi ko na pinatapos si mama,, natatakot ako sa kanya.
"Opo, kakain na po ako mamaya!" baka may consequence naman kung hindi ako kakain. Baka hindi na talaga ako pakainin forever?∞
Ngumiti lang ako, tapos umalis na si mama, kaya bumalik ako sa pagkakahiga. Nakatingin lang ako sa kisame. Hay! Ano ba ang nangyayari sa akin? Nasaktan lang naman ako diba? Nasaktan ako sa taong hindi ako mahal? Labo naman nito!"(
Maya maya may kumatok. Sino na namn 'to. Hindi si Kyla 'to kasi busy sya kay... alam nyo na! Kay John
"Bukas po yan,pasok!" Sabi ko kahit na nakahiga ako.
"Stupid! Can you eat now?"
Stupid? Si Lance ba 'to? Sya lang naman yung tumatawag sa akin ng stupid eh? Hindi ako pwedeng magkamali! Kaya bumangon ako0__________0
Si Lance nga! Sh*t!!
Anong ginagawa nya rito?"What are you doing here?" Tanong ko sa kanya. Napaenglish tuloy ako. Anak ng...!
Ano ba kasi ang ginagawa nya rito?"Eat!" Simpleng sagot nya. Ang layo naman ng sagot nya sa tanong ko!
"Tssk." Yan lang yung nasabi ko. Bakit ko ba ginagaya yung pa-tss tssk nya? Nahahawa na yata ako eh? Sheeeeemmmmss!!
"Kyla texted me, so I came here"
Ano? Ti-next sya ni kyla? Sh*t! Kaibigan ko ba talaga si kyla? Minsan nilalaglag ako o iniiwan ako sa ere at minsan... hindi ko na talaga alam >.<Umupo siya sa may edge ng kama ko na may dala dalang tray ng pagkain. Ano to 'Lunch in bed?' Hay naku Lance! Kung alam mo lang na may tampo ako sa'yo!
Pero teka lang ha? Kung nandito sya at dala dala yung tray, it means nagkakilala na sila ni mama?
"Nagkakilala na kayo ni mama?" Seryoso kong tanong sa kanya. Sabihin mo hindi pls.?
"Yes, tita is so kind at alam masarap syang kausap" oh my!
Grrr.."Ano naman ang sinabi mo?"
"I told tita about something, about us, and about my family" ay naku! Bakit pa ba nangyari ang araw na 'to?
"Eat?" Imbes na kainin ko yung akmang sinusubo nya, ay bumalik ako sa pagkakahiga
"Ayoko!" Yan lang yung nasabi ko. Naiinis na talaga ako sayo Lance! Shemss!
"Ayaw mo?, okey!? may regalo pa naman ako sayo" talaga? Ano naman yun? Kasi curious ako bumangon ako
"Ano naman yun?" tanong ko. Ngumiti lang sya. Huwag kang ngumiti natutunaw akoooo!
"Eat first!" Grrr. Wala akong magawa kaya kumain nalang ako. Putek!
Pagkatapos kumain ay may kinuha si Lance sa gilid. Ang laki at naka gift wrap pa talaga ha?"Im not satisfied giving you only that teddy bear" sabay turo sa yakap yakap kong teddy bear
"Pwede ko na bang buksan?"
Ngumiti lang sya. Kaya agad kong binuksan. Excited ako, sa ang laki naman ng regalong ito.
I opened it and ohhhh!!! Guitarrrr!!!
Ang ganda katulad nung gitara nya! At samay gilid nung guitar ay may naka sulat na...
Khate♡
At may heart pa talaga sa gilid? Pero ano 'to? Peace offering?
E hindi nya naman alam na may galit ako sa kanya.. huhuhu! Ang labo nito."Thanks Idiot!" I said then hugged him tightly
Hindi ko alam kung ano yung pumasok sa isip ko at ginawa ko yung. Nakita ko na lang na nagblush ng kaunti si Lance. Nagba-blush rin pala ang mga lalaki noh? Hahahaa.
Natatawa ako sa mukha ni Lance, kinagat ko na lang yung lower lip baka kasi mahalata niya! Hahahha
---------
"Khate!" Kung makasigaw tong si kyla. Auuugghhh! Ang sakit sa tenga..
"Bakit Ky??" Tapos tumabi sya sa akin
"Wala lang.." ganun? Wala lang tapis kung makasigaw wagas??
"Besh,hmmm. Naintindihan mo ba yung lesson kanina sa math??"
"Hmm. Oo" bigla na lamang syang nanghina
"So it means ready kana sa oral?" Huwag byang sabihin na hindi nya yun naintindihan??
"Oo bakit? Hindi mo yun naintindihan??"
"E, sorry!!" Bakit sya nagso-sorry wala naman syang ginawa ah. Kawawa naman tong kaibigan ko
Agad kong kinuha yung Notebook ko. Lahat ng steps, formula at ano ang gagawin ay sinulat ko eka nga (take down notes) at binigay ko sa kanya
"Oh! Pag-aralan mo yan lahat ng steps at iba pa nandyan na. Sorry may pinapractice pa kasi akong isang kanta eh kaya hindi kita masasamahan"
Bigla naman bumalik sa mga labi nya yung ngiti. May topak talaga ito minsan. Tskkk.
"Thanks besh, pag-aaralan ko to" sabay hug nya sakin
Nung paalis na sya may sinabi pa sya. "Ganda ng guitar mo besh!" Sabay wave nya at ganun din ako
Bumalik agad ang isip ko sa pag memorize ng mga chords na ito. Gustong gusto ko talaga magkaroon ng gitara noon pa kaso koripot kasi ako e!
[Cho. Of Tadhana by: Up Dharma Down]
Ba't di pa patulan
Ang pagsuyong nagkulang
Tayo'y umaasa⇨Sya na nga ba ang aking tadhana. Pero ang labo nun
Hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan⇨Kailan kaya mangyayari yun??
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip sayo*
Natigilan ako sa pagkanta nung may pumalakpak. Sino naman to??TBC...
------
A/N: Pambawi ko po. Matagal din po kasi akong di nakaUD. Enjoy reading ( ^)o(^ )