M200PB: 1

271 4 2
                                    

-Chichay's POV-

"Chaaaaaay! Kaw ba yan? Weh?"

Kakauwi ko lang sa bahay galing airport. Yaay! Ako nga pala si Chichay Bernardo. Kakagaling lang kasi namin ni Julia, BFF ko, sa america eh.

"Naman! Ganda na ba?" Ako.

"Syempre! Mana sa mama eh! Diba?!" Hay grabe si mama talaga oh.

"O, Asan si Julia?" Pag tatanong ni mama saakin.

"Ah, Umuwi po muna sa kanila. Pero babalik din siya ma-- " Ako.

"I'M HOMEEEEEE!!!" ???

Ay putek! Kabute teh? Pasulpot sulpot?

"Oh, Andito na pala si Julia eh." Mama.

"Oo nga po eh." Ako

Tama ang nabasa nyo. Andito na AGAD si Julia. At tama ulit kayo. Sya yung sumigaw ng "I'M HOMEEEEEE!!!". Oh diba, Feel na feel nya. Bahay nya to eh! -__-

"Hi Mama. Grabe, Namiss kita ah." Julia. Aba nga naman, Nakiki mama?

"Kala ko ba uuwi ka muna? Bat andito ka na agad?" Mama. Nga naman. 

"Ah eh, Nakauwi na po ako eh. Hehe" Julia.

"Wow ha! Ang bilis naman. Ano yun? Sumilip ka lang sa inyo tas pumunta ka na agad dito? Hindi ka naman lang naki upo sa inyo?" Ako. 

"Wow din ha! Para kasing magkatapat lang yung bahay natin eh." Julia.

Ay Oo nga pala. Nakalimutan ko. Mag katapat lang ang bahay namin. Hehe. Sorry naman! Subdivision kasi to eh.

"Ay Sorry naman! Pwede mag sorry?" Sabi ko ng medyo sarcastic

"Osige! Mag sabunutan na kayo. Hello, MAGANDA HERE!"

Napatingi naman kame sa nag sasalita. Aruuuuy!! Si Mama lang pala. Suuss!!

"Ahehehe. Sowi po tita, Hihiramin ko muna si Chie ah. You know, shopping!!" Julia.

"Teka nga! Shopping agad? Di uso magpahinga teh?" Ako. Eh kasi naman, Duh!! Kakagaling lang kaya namin sa isang mahabang paglalakbay! Chos!

"Eh ano pa bang ipapahinga mo? DUH!! Ano bang nakakapagod sa pagupo at pag tulog sa eroplano ha?" Julia. Oo nga no?

Eh basta. Nakakapagod kaya.

"Osige na Chay! Sumama ka na. Bumili ka na din ng gamit nyo sa school. Tutal malapit na ang pasukan." Mama.

Aish! Mama naman oh! Kampi kay Julia eh. Sino bang anak mo? Hmp!

"O ano? Papalag pa? Dalawa na kame oh!" Julia. At ngumiti pa ng matagumpay ang bruha.

"Sige na nga!" Ako.

Alam nyo ba yung NO CHOICE?? AKO YUN EH! 

*

"Chieeeeeeeeeeeee!!" Julia.

"Ay, teh makasigaw? Hindi po ako bingi! Promise! Hindi talaga." Ako. Eh karindi eh.

Andito kame sa KFC. STREETWISE!!. Wala. Tambay lang. Nakikiupo. Kapagod kayang maglibot.

"Tingnan mo oh, Si Daniel ba yun?" Julia. Tapos may tinuturo yata sya, Eh hindi ko naman tiningnan kase nag lalaro ako ng candy crush. Haha. Eh bakit ba? Kaadik eh. 

"Ba, malay ko." Ako habang nakatingin pa din sa ipad ko.

"Eh tingnan mo kasi oh. Kasama nya yung barkada nya." Julia. Tiningnan ko naman yung tinuturo nya. At positive si Daniel nga! At papunta sila sa ........ amin? Woahh!! GANDA KO TALAGA!!

"Papalapit sila saatin oh." Julia.

"Kita ko nga." Ako.

Umiwas na kame ni Julia ng tingin. Marihap na!

"Hi miss" 

Muntik ko naman mabitawan ang phone ko sa gulat. Putek naman eh. Kelangan manggulat? Pag ito nalaglag, Nakuuu!! 

Marahan akong tumingin sa likod ko para makita kung sino ang salarin. Chos. 

Sus! Eh si Daniel Manansala lang pala!

O_______________________O

SI DANIEL???!!

Oh well hindi na naman na ako nagulat, Konti lang. Sus. Alam ko naman na kaya nya lang ako nilapitan kasi nagagandahan sya saakin. DUH.

"Hello?" Medyo Awkward na pagbati ko sa kanila. Kunwari hindi ko sila kilala. Acting acting din pag may time.

"Ganda mo naman miss. Siguro magnanakaw ang tatay mo." Sabi nya habang nag papacute. Well, Infairness, Ang cute!! PERO HINDI YAN TATALAB SAAKIN.

"Excuse me?! Hindi magnanakaw ang tatay ko no." Medyo mataray kong sabi. 

EH IKAW BA NAMAN SABIHAN NG MAGNANAKW ANG TATAY MO, EWAN KO LANG KUNG HINDI MO TARAYAN!

"Ah ganun ba? Kung ganun nga, Eh sino nagnakaw ng mga bituin sa lagit para ilagay dyan sa kumikinang mong mga mata?" Sya sabay kindat. Naks!! Bolero!! Amputss!!

"Infairness, Kinilig ako sa panloloko mo!" Sabi ko na medyo natatawa. Eh bat ba. Havey ehh! :)) 

"Pero bakit parang namumukhaan yata kita?" Sabi nya na parang iniisip kung saan kame nag kita.

Naku Jusko. Masisira ang plano ko pag nagkataon. Sheet naman oh. 

_____________________________________________

AN:/ Oh yaaan!! May Chapter 1 na!! Ahihihi

Oks ba?? Sana nagustuhan nyo. At Pasensya kasi yan lang keri ko. Medyo Slow Update na din kasi pasukan na eh. Yun lang!! KBye!!

 Vote? Comment?

~Crazybitch 

My 200 Pounds BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon