3. Sorry

10 1 0
                                    

Madilim ang kalangitan.. dahilan para lalong malungkot ang dalaga. Nakaupo sya sa kama habang nakatingin sa maulap na kalangitan.


Koyori's POV




"Koyori" nagulat akong nasa pinto na ang kapatid ko at nakatayo.





"Bakit hindi ka kumatok?" Lumihis ako ng tingin sa kanya at tumingin muli sa kalangitan.





"Kanina pa ako kumakatok. Malalim yata ang iniisip mo?"






"Sorry naglihim ako"







"Itigil mo na ang pagsasanay mo.. tsaka kita papatawarin" humarap ako sa kanya.




"Hindi! Hindi ako titigil! Kahit anong manyare ikaw parin ang mamumuno, ikaw ang susunod na hari, pero ako ang magsisilbing kamay at paa mo pagdating sa pakikipaglaban!"




"Alam mo ba ang sinasabi mo!? Minamaliit mo ba ako dahil nawala ang kanang binti ko!?"






"Hindi kita minamaliit. Sa ganyang kalagayan mo, madali kang mapapaslang kahit sobrang galing mo sa pakikipaglaban at kahit marami kang tauhang kasama!"





"Mas nanaising kong mamatay ng may laban! Kaysa ikaw ang lumaban!"






"Korito!"







"Makinig ka" napabuntong hininga si korito tsaka naupo sa tabi ng kapatid "ikaw na lang ang pamilya ko, kaya gusto ko manatili ka lang sa tabi ko"





"Kung gusto mo manatili ako, sundin mo ang nais ko. At gagawin ko iyon" tumayo na kaagad ako at iniwan sya.. bumaba ako upang magpunta sa library room ng bahay namin. Gusto ko mapag-isa.





Walang magbabago sa decision ko. Ako ang tatayong kamay at paa nya sa pakikipaglaban.. dahil alam kong kahit ipilit nya na makakaya nyang makipaglaban sa ganoong paraan, alam ng lahat na may porsyentong mapaslang sya kung magkamali sya.





Ako si Koyori, ang princesa ng White Castle. Ang papaslang sa mga kalaban at traydor sa sarili kong kamay!






------

Next chapter: Brother's decision

The Daughter of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon