Precious' POV
Nandito ako ngayon sa DQ (Dairy Queen) sa Guevarra's Mall, mall namin. Yeah may Mall kami at isa to sa mga kilalang Mall dito sa Pilipinas, marami na rin siyang branches sa ibat ibang lugar. Kaso hindi ako madalas dito nag mamall kasi baka pagalitan ako nila Mommy pag palagi akong nag mamall kaya minsan Robinsons nalang kami. I'm Precious Anne Guevarra, nag iisang anak.
Umorder nalang ako ng dalawang cup ng Ice Cream na Cookies and Cream flavor. Favorite ko kasi tsaka masarap ang ice cream. Hinihintay ko kasi si Gerald, my boy bestfriend. Kabagal kasi. Paimportante. Haha.
Malapit ko ng maubos yung isang cup ng ice cream nung dumating siya.
"Sorry Bestfriend! Traffic e!" sabay kuha nung isang cup pa ng Ice cream ko.
"Late ka na nga kukuha ka pa ng Ice cream ko!" tumatawa kong sabi sa kanya tapos nag sign ako sa kanya na bibili lang ako ng isa pang ice cream."Takaw mo talaga bestfriend!" sabi niya habang papalabas kami ng DQ.
"San tayo pupunta?" tanong ko habang kumakain parin ng ice cream.
"Time Zone! " bigla nalang ako nabilaukan. Para kasi siyang bata.
"Huy bestfriend! Anyare??" hinihimas niya parin yung likod ko dahil nga nabilaukan ako.
"Wala! Tara na nga!" tumakbo nalang ako papuntang Time Zone. Hinahabol naman niya ako. Ganito kami palaging nag hahabulan.Nakarating kami sa Time Zone na hingal na hingal. Para kaming tanga hindi naman tatakbo tong Time Zone e. Marami ng tao kasi hapon na rin naman. Halos estudyante nga laman.
Nag laro muna kami ng Basketball, tag isa kami ng ring. Pataasan daw kami at ang matalo may dare o parusa. Syempre game ako diyan!
At dahil mas magaling ako natalo ako. Si Gerald pa ba? Star player kasi siya sa school nila. Mag kaiba kami ng school at Architecture ang course niya.
"Paano ba yan bestfriend? Talo ka nanaman? Haha" tinaasan pa niya ako ng kilay. Paano ba naman kasi sa tuwing may laban kami puro siya ang panalo.
" Tsamba! O laro tayo ulit? Pero sa Just dance na! Ano Game?" baka taas na kilay ko ding tanong sa kanya na nag pakunot ng noo niya. Sabi na nga ba e ayaw. Ang tigas kasi ng katawan niya! Hahaha
"Ayaw!" nag pout pa siya na parang bata. kaya tinawanan ko nalang.
"Please bestfriend?" nag puppy eyes pa ako kasi alam ko namang hindi niya ako matatanggihan.
Narinig ko nalang siyang bumuntong hininga
"K fine!" lumawak ang ngiti ko sa sinabi niyang yun kaya hinila ko na siya papunta dun sa may XBOX. Palagi ko siyang natatalo dito e. Haha
"Game?" inirapan niya lang ako. kaya mas natawa ako sa kanya. Beauty and a Beat yung sasayawin namin.
Sa buong sayaw hindi ako makapag concentrate kasi tawa lang ako ng tawa sa kanya kasi ang tigas niyang gumalaw pero napapangiti nalang ako pag naiisip kong ako lang ang may kayang papayagin siyang sumayaw kahit trying hard.
Natapos ang sayaw at ako ang nanalo sa aming dalawa.
"Bestfriend paano yan? Kwits!" mahilig na ata siyang umirap ngayon kasi panay ang irap niya pero natatawa na lang ako pag ginagawa niya yan. Niyaya ko siyang manuod ng sine. Pumayag naman siya.
"Bestfriend ano gusto mong panoorin?" tanong niya habang pumipili kami sa harap ng cashier.
"Yun oh! Minions! " pag kakasabi ko nun tumawa siya.
"Anong nakakatawa?"
"Ikaw!"
"Mashaket! Bishprin! " paano ba naman kasi kinurot niya yung mag kabilang pisngi ko.
BINABASA MO ANG
Unbreakable Bonds
Teen FictionFriends Forever! Walang Bibitaw at Walang Titibag - Yan yung pinangangalagaan naming Bitches. Ang pagkakaibigang sinusubok ng pagkakataon at panahon. Ang pagkakaibigang muntik ng masira dahil sa pag-ibig na akala namin ay tama. Noong mga panahon na...