Untitled Part 13

25 4 0
                                    

Nandito kami ngayon sa park at kumakain ng ice cream habang may cotton candy sa kabilang kamay. Di ko alam na mahilig din pala sya sa matamis, e masungit kaya tong taong to. Nagulat nga ako nitong mga nagdaang araw.

"Hmmm .. JP anong meron ? Bakit nagpasama ka sa akin dito? "

"Wala naman gusto ko lang ng kasama at makakusap"

"Bakit may problem ka ba?"

Di ko alam kung magsshare sya, pero meron sa loob ko na humuhiling na sana.

"Wala, mga walang kwentang tao na sumisira sa buhay ng iba "

Aray, bakit ganun sya magsalita?Brokenhearted kaya to? Hahaha, parang wala pa naman akong nakikitang girlfriend nya.

"Broken hearted ka?"

"Hindi wag mo na akong pansinin. Liya may tatanung ako sayo"

"Ano yun?"

"Pwede ba akong manligaw?"

Nagulat ako sa sinabi nya at biglang napatigil sa paglalakad. Hindi ko alam na may motibo na pala sya nitong mga nakaraang araw. Akala ko gusto nya lang ng kaibigan, iba pala.

"Ha?"

"No, No need to answer, I will court you weather you like it or not"

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bigla akong kinabahan. Di naman ito yung unang beses na may nagsabi saken ng ganito pero bakit ganon?

"Secret On"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon