- 2-
PREGGY?
Namumugto ang mga mata ko at lalo na syang lumiit, late na akong umalis kasi di naman kami magkikita ngayon, may klase kasi sya ng 7am. Nasa gate palang ako ng bigla akong niyakap ni Chel.
"Best may problema ba?"
Alam ko pag yumakap sya may problema o masaya sya.
"Di ko alam kung ano ang mararamdaman ko, masaya ba o maaawa ako syo"
Bigla akong knabahan, ano kaya yun?
"Bakit, ano yun?"
Pero imbis na sumagot hinila nya lang ako palabas ng school at dinala sa may playground, niyakap nya uli ako.
"Best sabihin mo na, ano yun?"
"Si Mrs. Reyes"
Seryoso sya.
"Ha? Bakit patay na?"
"Ang sama mo best, patay agad?"
"Oo nga no, sobrang sama ko, e anu pala yon?"
"Promise me wag kang mabibigla o magwawala?"
"Ano kasi yun best, pa kaba moment ka naman e"
"Basta i promise mo"
"Sige, promise"
Pero nakakontra yung daliri ko, di ko kasi mapipigilan talaga.
Hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko.
"SI MRS. REYES, BUNTIS."
BINABASA MO ANG
"Secret On"
Short StoryHow long would you play the part of a second choice? "SECRET ON" Nandito ako ngayon sa kwarto ko naghihintay ng text nya. Ng lalaking pinakammahal ko.. Ng lalaking ginagawa akong tanga.. Ng lalaking second choice ako.. Ang pinakamahirap at masakit...
