Okay bawal ang badvibes ngayon!! It's our day!
"Are you ready my Princess? "
Tumango at ngumiti lang ako bilang tugon.
Umikot lang kami sa mall at nagtingin tingin, maya maya pa tumigil kami sa isang jewelry shop.
May nagustuhan ako, yung kwintas na may infinity sign. Tinititigan ko lang yung kwintas ng biglang nagsalita si sir.
"You want?"
Sabay turo sa kwintas. Umiling lang ako bilang sagot.
"Pwede ko bang Makita yung isang yun Ms.? Yung infinity sign."
Kinuha nya yun at sinukat sakin. Di ko alam kung matutuwa ba ako o hindi, syempre infinity sign yun. Di naman for infinity yung relasyon namin kasi di nya ako kayang piliin.
"I'll buy this one MS."
"No Sir, ayaw ko."
"Okay na , nabili ko na. Wag ka ng mahiya "
"Ayaw ko nga kasi sir"
Tinanggal ko yung kwintas, binigay ko sa kanya at iniwan sya.
Naglakad ako ng mabilis ng bigla nyang hinawakan ang kamay ko.
"Liya, stop! What's wrong? "
Naiyak na ako. Tumigil ako saglit at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
"LIYA!"
Alam kong galit na sya kasi seryoso na yung boses nya.
"What's wrong?! "
Tanung nya uli.
Tinuro ko yung kwintas.
"Ha?"
Nagtataka nyang sagot .
"Infinity sign yan , dun mo yan ibigay sa asawa mo, "
Natawa sya sa sinabi ko
"Okay, listen liya, this is really FOR YOU. I WILL LOVE YOU TIL' infinity"
At bigla nya akong niyakap. Sana lang nagagawa nya tong ganito ng di kailangang magtago.
Sa harap ng ibang tao, yung normal na relasyon.
Di ko alam kung magpapauto na naman ba ako. Pero eto, habambuhay na nga siguro akong uto uto.

BINABASA MO ANG
"Secret On"
Cerita PendekHow long would you play the part of a second choice? "SECRET ON" Nandito ako ngayon sa kwarto ko naghihintay ng text nya. Ng lalaking pinakammahal ko.. Ng lalaking ginagawa akong tanga.. Ng lalaking second choice ako.. Ang pinakamahirap at masakit...