Untitled Part 15

29 4 0
                                    

Kinabukasan, pagkagising ko tumakbo akong banyo dahil nasusuka ako at nahihilo.

Haaaaaay, magkakasakit ata ako, wag naman sana, di pa free si sir wala pang mag aalaga sakin. Hihi

Tinatamad akong pumasok ng school pero gusto kong Makita si Sir, syempre.

JP'S POV

Andito ako ngayon sa labas ng school at iniintay si Liya, Don't get me wrong, di ako inlove sa kanya. Parte parin to ng plano ko. Aaminin ko maganda sya. Mabait, inosente at lahat na yata ng gusto ko sa isang babae nasa kanya na. Pero bawal ko syang mahalin. I mean, di ko sya pwedeng mahalin.

Napangiti ako ng nakita ko sya. Pero bakit sya namumutla? So nilapitan ko sya.

" hi MS. Beautiful? Okay ka lang ba?"

" ou naman, bakit mo natanong?"

Nakangiti pa rin nyang sabi, kung titingnan mo sya parang wala syang problema. At tila ba isa syang anghel. Di mo aakalain na ganun syang tao.

"hoy Jp, may problema ba?"

"Ah wala, wala. Tara na? "

Maglalakad na sana kami ng bigla akong tinawag ni Ate.

" JP can we talk?"

Tumingin naman sakin si Liya at tumango pero di sya natingin kay ate. Siguro nahihiya sya. Nahihiya sya sa ASAWA NG NILALANDI NYA.

*****

"What's wrong Ma'am?"

"Ano ka ba Jp, ate mo ako. No need to be formal"

"Ayaw ko lang na malaman ng iba, para alam ko sinasabi nila tungkol sayo ate."

Niyakap ako bigla ni ate at bigla syang umiyak. Ayaw ko sa lahat ay umiiyak at niloloko si ate. Sya ang pinakamahalagang tao sa buhay ko at gagawin ko ang lahat para sa kanya.

"Si Sir, MAY IBA SYA!!"

Nagulantang ako sa sinabi nya. I have to pretend. Ang dahilan? Hindi ko alam! Ang gusto ko lang. PROTEKTAHAN SI LIYA. Habang nag iisip ako ng sasabihin, bigla kong naalala kung paano ko nalaman ang lahat.

Cleaners ako ng araw na yu. Sa paglilinis ko may pumukaw saking paningin.

Isang papel na may nakasulat na malalaking letra. Para din kasing pamilyar yung sulat .

" I LOVE YOU LIYA "

Di ko alam kung may kagaya lang ba sya ng sulat. Pero imposible nyang lokohin si ate, mahal na mahal nya yun.

Dahil nga nacurious ako kung kanino galing yung papel na pinaghihinalaang kong sa asawa ni ate, naging stalker ako ni Liya.

Maging si Sir din, at naging malinaw sakin lahat nung nakita ko sila sa isang abandonadong lugar hinalikan ni Sir si Liya.

Gusto kong magwala nun at basagin ang pagmumukha ni Sir, pero pinili kong manahimik muna.

At eto na nga dun nabuo ang mga plano ko. Ang plano ko kay Sir at plano ko kay Liya.

"Secret On"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon