Prologue

1.7K 30 0
                                    

"Nandito tayong lahat para pagpulungan ang misyon na ibibigay ko sa inyo para makumpleto ang bagay na makakapagpakawala sa aking asawang emperatris sa salamin..."sabi ni emperador Hajime sa nasasakupan niyang mandirigma sa Emperyo ng Libre.

Lahat ng tinipon niyang mandirigma ay matamang nakikinig sa kanya.Tinanong ng emperador kung sino ang nais na magkakasama sa misyon pero sa huli ay siya din naman ang nasunod.

"Ikaw Liu at Yona ang inaatasan kong pumunta sa Emperyo ng Subeta emperyo ng mga samurai para hanapin ang nilalang na makakapagsabi ng nangyari sa nakaraan para makilala natin ang nagnakaw ng puting mahika.."saglit itong tumigil pagkaano ay bumaling sa dalawa pang mandirigma.

"..habang si Rima at Mito naman sa Emperyo ng Shinobi emperyo ng mga ninja kung saan nababalita na naroroon ang nilalang na may kakayahang kontrolin ang salamin....."

Muryou:Taming the Bitch[Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon