Chapter 9-Sapul

672 17 0
                                    

Ang sama ng pakiramdam ko pero sa kabila noon ay nagagawa kong ngumiti.Pero hindi ko naiwasan mapasimangot nung maalala ko na hindi nga pala kami ayos ni Mito.Sinadya ko na hindi magpakita sa kanya kahapon.Nagmukmok lang ako sa lugar na hindi niya ako makikita.Naiinis kasi ako sa kanya.

Pero hindi ko naman kayang tiisin na hindi siya makita.Gusto kong makita ang gago na yun..Para kasing kulang ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita.

"Pinunong Hiromi totoo po ba na aalis na si Ginoong Mito?"

Napatigil ako sa paglalakad nang madinig ko ang isang taga-silbi na kausap si Hiromi ang kapatid ni Miyata.

Isa lang ang pumasok sa utak ko.

Si Mito aalis na??

"Ano yung sinasabi ng mga tsismosa na yan na aalis na si Mito?"bago pa makasagot si Hiromi ay tanong ko sa kanya.Sinamaan ko naman ng tingin ang dalawang taga-silbi.

"E-h..maiwan na po namin kayo.."

Seryosong tumingin si Hiromi sa akin nung umalis ang mga tsismosa.

"Biglaan ay nagbitiw si Mito sa pagiging mandirigma.Ayaw nga pumayag ni ama ngunit wala ding nagawa sa huli.."

"Hindi.."bigla ay naalarma ako.Alam ko nagtataka sa akin si Hiromi.

Wala na akong sinabi at kaagad na tumalikod para umalis.

"Kakaalis pa lang niya..maabutan mo pa siya sa labas.."habol na sabi niya.Hindi ko na siya nilingon at tumakbo na palabas ng palasyo.

Hahabulin ko si Mito! Anong karapatan niyang umalis?! Gago talaga siya!

Binilisan ko ang takbo ko hanggang sa makalabas ako ng palasyo.

Hayun ang hinayupak!

"MITO!!"

Nahalit yata ang ugat ko sa leeg sa paghiyaw.Tumigil ako ilang distansya mula sa kanya.Lumingon naman siya para lang sabihin na..

"Paalam Rima.."at tumalikod siya para umalis bitbit ang gamit niya na nakasakbit sa balikat.

Naikuyom ko ang kamao ko.Hindi ko na mapipigilan ang pagsabog ng tinitimpi kong galit kahapon pa.

"PUTANG INA MITO!! PAGKATAPOS MO AKONG BUNTISIN BASTA KA NA LANG AALIS?! SISIGURADUHIN KO NA PAPATAYIN KA NI AMA KAPAG HINDI MO AKO PINANAGUTAN AT KUNG MABIGO SIYA AKO MISMO ANG PAPATAY SA'YO!!"

Galit na galit ako.Sa sinabi ko ay marahas siyang napalingon.Kulang ang sabihing nakaawang lang ang labi niya dahil para na din siyang natatae at natuklaw ng ahas.

Lalo akong nainis.

"TATANGA KA NA LANG BA DYAN HA?! ANONG AKALA MO HINDI AKO MABUBUNTIS EH SA INARAW-ARAW MO NA AKO TAPOS GANYAN ANG REAKSYON MONG GAGO KA!"

Mabilis siyang lumapit sa akin.

"Buntis kang talaga?"

"OO NGA!"sinimangutan ko siya at may kasabay pang pagpadyak.Yun ang dahilan kung bakit lalo akong naging mataray.

"Sapul! May pag-asa pa ako!"at may pagsuntok pa siya sa ere.

"Tss.Anong drama mo at aalis ka ha?!"pero bago pa siya nakasagot ay sinuntok ko siya ng malakas sa dibdib.

"Aray! Sadista mo! Para saan iyon?"

"Ang lakas ng loob mo na tanungin ako ng ganyan eh balak mo akong iwan! At may kasalanan ka pa sa akin! Nakikipaglandian ka kay Nova sa silid paliguan!"bigla ay natigilan siya.

"Mali ang iniisip mo!"

"Mali ba iyong halos hubad na kayong dalawa doon?! Hindi ko kinaya kaya umalis ako pasalamat ka at hindi ko kayo sinugod na hudas ka!"

"Sana ay hinintay mong madinig ang lahat ng sinabi ko para malaman mo na pinaalis ko siya.Nagseselos ka ba ha Rima ko?"nakangisi na sabi pagkaano ni Mito sa akin.

"Hindi pa ba halata?!"

"Bakit?"hindi mawala ang malawak niyang pagkakangisi.

"Tinatanong pa ba yan?! Eh di nasarapan ako mahal na kita!"inis kong bulyaw sa kanya.

Napatawa siya.Kasunod noon ay niyakap niya ako ng mahigpit.

"Mas mahal kita Rima ko.."ako naman ay tila naestatwa.Ang lakas ng tibok ng puso ko.Pero hindi ako dapat bumigay agad sa kanya hindi pa nga niya sinasabi sa akin kung bakit siya aalis.

"Ano ba Mito! Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko!"lumayo ako sa kanya.

Sumeryoso ang mukha niya.Nakakita ako ng selos sa kanyang mga mata?

"Nakita kita na umiiyak.Pinapatahan ka ni Miyata at halos magkadikit na ang katawan nyo.Hindi mo ba talaga siya kayang kalimutan?"maging sa boses niya ay halata ang panibugho.Nagseselos pala siya kay Miyata..pero teka wala pa naman si Miyata ah? Bahagya tuloy nagsalubong ang kilay ko.

"Miyata? Hindi pa naman dumadating si Miyata ano ka ba?"

Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Mito.

"Hindi pa ba sila dumadating?"

"Hindi pa..paulit-ulit? Si Kira yung nakita mo na nagpapatahan sa akin."mas nagkaron ng pagtataka sa hitsura ni Mito pero wala na siyang sinabi pang iba."Ayoko na pati kay Miyata,kay Yumi na siya."balewalang sabi ko.

Napangiti siya.

"Anong~~~??"

Nagulat ako nung bigla na lang niya akong binuhat.Nakakawit ang kamay ko sa leeg niya habang nakasalikop ang kamay niya sa hita at likod ko.

"Pakasal na tayo ngayon Rima ko!"malawak ang ngiti niya.

"Hoy hindi pa pwede ngayon..Sasabihin pa kaya natin kay ama ang tungkol sa atin lalo na ang ipinagbubuntis ko!"

"Kung ganoon unahin na muna natin ang pulot-gata!"nakangisi naman siya ngayon.

Tatanggi pa ba ako ng lagay na ito? Syempre ay hindi.Lagi ko nga iyong kinasasabikan eh.

"Ang hilig mo!"napahagikhik ako.

"Sa'yo lang naman Rima ko.."

Hindi na ako sumagot at sinapo na lang ang mukha niya para bigyan siya ng matamis na halik..

Muryou:Taming the Bitch[Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon