Ilang araw ang lumipas at nakita ko na lang na hulog na hulog na ako kay Mito.Bakit hindi? Eh siya lamang ang lalaking nagparamdam na espesyal ako.Lagi siyang nandyan para sa akin at kalabisan mang sabihin ay halos sambahin niya ang kagandahan ko.Sabi niya ay nababaliw na siya sa akin pero sa tingin ko'y ganoon din naman ako sa kanya.Wala kaming pormal na usapan kung magkasintahan kaming dalawa basta ginagawa namin ang ginagawa ng magkasintahan lamang.Pakiramdam ko ay namumula ang mukha ko sa isipin na araw-araw namin iyong ginagawa.Oo,tila sinamantala namin na wala ang mga kasamahan namin na mandirigma.Lagi din namang wala si Kira habang si Akeru naman ay nasa gubat pa.Ih..ang pilyo niya kasi..ang likot ng kamay at labi hindi ko tuloy mapigilan ang katawan ko!
Teka nasaan kaya iyong lalaking yun? Kakagising ko lang at siya iyong gusto kong makita.Maaga akong nagising dahil naramdaman ko na wala siya sa tabi ko.
"Hinahanap nyo po ba si Ginoong Mito?"nalingunan ko ang isang babaeng taga silbi ng palasyo.
"Paano mo naman nalaman na si Mito ang hinahanap ko?"nakataas ang kilay na sabi ko.Hindi ko alam pero umiinit ang ulo ko.
"E~h..kayo po yun laging magkasama nitong mga nagdaang araw..s-aka po kayo lang naman po ang mandirigma na nandito.."nahihintakutan nitong sabi.
"Tsismosa.Umalis ka nga sa harapan ko."
"O-po..opo..p-aumanhin po!"yumukod ito at dali-daling lumakad palayo na halos matapilok na sa mataas na bakya na suot.
Nagpatuloy ako sa paglilibot sa palasyo.Hindi ko talaga makita si Mito.Baka naman nasa bayan..
Makaligo nga muna..
Nagpunta ako sa silid paliguan ng palasyo.Isa iyong malaking paliguan.Sementado ang liguan na malaki ang uka na napupuno ng maligamgam na tubig.Nahahati ito sa dalawa.Ang isang bahagi ay pang-babae habang ang isang bahagi ay para naman sa mga lalaki.
Gayak maghuhubad na ako ng damit nang makadinig ako ng nag-uusap..
Eh? Sa may kabilang bahagi sa liguan ng mga lalaki ko nadidinig ang nag-uusap.Boses ng babae at lalaki.Kinabahan ako.Inayos ko ulit ang damit ko at sumilip sa kabilang panig.
Naitutop ko ang kamay ko sa bibig ko para pigilan ang pagsinghap.Kasabay noon ay ramdam ko ang pagkulo ng dugo ko.
Si Mito kasama niyang naliligo si Nova! Magkadikit halos ang katawan nila.Walang suot na pang-itaas si Mito habang si Nova ay nakapanloob lamang.Ramdam ko ang labis na galit.Nagseselos ako!
Hindi ko alam kung paano ako tumalikod.Hindi ganito ang gagawin ng dating Rima dahil tiyak na susugudin ko sila at lulunudin ko ang babaeng iyon.May nabago na sa akin iyon ang napagtanto ko.
Mabilis ang hakbang na lumayo ako sa lugar na iyon.Hawak ko ang dibdib ko.
"Putang ina ang sakit."dinakot ko pa ang dibdib ko na kumikirot.
Niloloko ako ni Mito.Nakikipaglandian siya sa babaeng iyon.Tapos ay sasabihin niya na mahal niya ako!
Nung makalayo ako ay naupo ako sa isang sulok.Natagpuan ko ang sarili ko na umiiyak habang hawak pa din ang dibdib ko.
Ngayon ko lang naramdaman ang masaktan ng ganito..iyong parang pinupunit ang dibdib ko..
Kay Mito lang..
"Hindi bagay sa'yo ang umiiyak Rima..tahan na.."
Napaangat ang tingin ko sa nagsalita..
*****
"Bakit nandito ka sa paliguan ng mga lalaki?!"
Nakakunot ang noo ko na nakatingin kay Nova na tanging panloob lamang ang tumatakip sa katawan.Nakadinig pa ako ng kaluskos na nawala sa isip ko nung lalong idikit ng babae sa akin ang katawan niya.
"Hindi ba pwede na dito na lang ako maligo ha Mito?"hinawakan niya pa ang braso ko na tinabig ko naman.
"Hindi pwede! Doon ka nga sa liguan nyo o gusto mo na kaladkadin pa kita doon?!"bulyaw ko at itinulak ko pa siya.
Wala siyang nagawa kundi ang lumipat sa kabilang panig ng liguan na nanghahaba ang nguso.
Pesteng babae!
Halata naman na inaakit niya ako pero hindi siya magtatagumpay dahil kay Rima ko lamang tumatayo ang akin! Mamaya nga pagkaligo ay mapasok siya sa kwarto niya.Ugali na niya ang tanghaling magising.Siguradong higit na tanghali siya ngayon dahil pinagod ko siya kagabi.Mabilis siyang matuto.Sinakyan niya ako kagabi..ang galing niyang gumiling..Arghh..sa isiping iyon ay tumatayo ang akin!
Takte! Mabilisan na nga ang panliligo!
Minadali ko ang panliligo at nung matapos ay dalidali akong nagbihis at lumabas sa paliguan.Ang direksyong tinutungo ko ay ang papunta sa mga silid namin.
Naglalakad ako sa may pasilyo nang mapahinto ako at nagkubli sa isang poste.Nangunot ang noo ko.Nakita ko si Rima..nakaharap siya sa akin pero tingin ko ay hindi niya ako napapansin dahil ang atensyon niya ay nasa lalaki sa kanyang harapan na nakatalikod naman sa akin.Kung titingnan ay inaalo ng lalaki si Rima at hinahaplos pa ang likod nito.
Lalong nagdikit ang kilay ko ng matitigan ko na ang lalaking nasa harap niya ay..
..si Miyata..
Nakabalik na pala siya..
Nadinig ko na binabanggit ni Rima ang pangalan ni Yumi habang umiiyak.Marahil ay umiiyak siya dahil mas pinili ni Miyata si Yumi sa kanya.
Kuyom ang kamao na lumayo ako sa lugar na iyon.
Mahal talaga ni Rima si Miyata at sa tingin ko ay wala na akong magagawa sa bagay na iyon..
Kahit anong gawin ko ay hindi niya ako mamahalin..
Ayoko na..sumusuko na ako..Hindi ko na kaya pa ang sakit na lagi kong nararamdaman simula nung minahal ko siya..
Natagpuan ko ang sarili ko na dumiretso sa bulwagan kung saan naroon ang trono ng emperador...
BINABASA MO ANG
Muryou:Taming the Bitch[Complete]
AdventureIsa siyang maldita,maarte,bitch,bad ass and such.Pinakaayaw niya ay ang natatalo.. Magawa kayang ikadena ng taong inaayawan niya ang puso niya? Isang taong parte ng buhay niya..seryoso,misteryoso pero may kapilyuhan ding taglay..At ito ang tipo ng n...