Chapter 6-Gusto na

734 21 0
                                    

Tapos na ang misyon namin.Naipakita na din sa amin ni Nova ang kapangyarihan niya at nasiguro namin na siya ang nagmamanipula sa salamin. Babalik na kami mamayang hapon sa Emperyo ng Libre kasama ang babaeng mahinhin kuno eh mas malandi pa sa akin!

"Rima.."

Napabaling ako ng tingin kay Mito na tinawag ang pangalan ko.Nakangiti siya sa akin.Ramdam ko na napangiti din ako sa kanya na agad ko din namang binawi nung maalala ko na dalawang beses ng may nangyari sa amin.Pakiramdam ko namula ang mukha ko.May nangyari sa amin at hindi yun sa kama ha kundi sa kweba at sa damuhan! Takte.Pangarap ko pa naman na kung mawawala ang pagkabirhen ko ay sa malambot na kama na pang-prinsesa mangyayari iyon..pero ih...hindi ko naman naramdaman na sa damuhan iyon at lupa.Tama si Mito para pa nga akong idinuduyan sa alapaap.

"Bakit?"nakataas ang isang kilay na sabi ko.

"Napakamahal talaga ng ngiti mo.May itatanong lang naman ako sa'yo bago tayo bumalik sa Libre."

"Ano yun?"

"Magkasintahan na ba tayo?"

"ANO?!? Pakiulit nga ng sinabi mo??"

"Kung tayo na? Kung kasintahan na kita?"kaswal na kaswal ang pagkakasabi niya habang ako naman ay mulagat na ang mata dito at nagsisimula ng magrigodon ang dibdib.

"B-akit mo naman naitanong ang bagay na iyan??"nauutal na sabi ko.

"Dahil may nangyari na sa atin."

"Nangyari lang naman iyon kasi kinumbulsyon ako at kailangang bumaba ang lagnat ko!"depensa ko.

"Yung sa kweba ay ganoon nga eh paano naman yung sa damuhan?"nakangisi na sabi niya.

Naman..ipinangalandakan pa niya yung sa..sa d~amuhan..err..

"A~no...e~h.."

"Uhum? Anong ano? Mahal mo na ako?"

"Wala akong sinabing ganoon!"

"Kung ganoon ay bakit nasundan pa ang nangyari sa atin?"

"Nasarapan ako yun lang yun!"

Bahagya siyang napatawa.

Takte! Ano ba iyong sinabi ko?! Nung marehistro sa isip ko ang sinabi ko sa kanya ay kaagad na namula ang mukha ko.Lalong lumawak ang pagkakangisi niya.

"Talagang masarap ako aking Rima.."pakiramdam ko ay nagtatayuan ang balahibo ko sa senswal na paraan ng pagkakasabi niya niyon.Pinagpawalang bahala ko ang kakaibang pakiramdam na idinudulot niya sa akin ngayon.

"Punyeta~~

"Punyeta ano? Punyeta kinikilig ka?"tudyo niya sa akin.

"Argghh!"lalo ko siyang pinanlakihan ng mata at pakiramdam ko ay lalo pang pumula ang pisngi ko."Humanap ka ng kausap mo! Baliw!"tinalikudan ko siya at dali-dali akong tumakbo palayo.

"Rima.."

Marahas ko siya nilingon.

"Ano na naman?!"singhal ko.

"Panghahawakan ko yung sinabi mo na nasarapan ka..baka kasi sa susunod ang sabihin mo na sa akin ay~~'Mito nasarapan ako mahal na kita..'~~"masuyo siyang ngumiti sa akin.

Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan.Walang imik ko siyang iniwan habang napapailing.Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko..

..tinatambol ang dibdib ko sa mga oras na ito..

******

Dumaan muna kami sa bayan ng Ganja ang pinakasentrong bayan ng Emperyo ng Shinobi~sentro ng kalakalan.Namili kami ng namili ng kung ano-ano lang at saka makakain.Hindi ko alam pero ang kulo yata ng dugo ko kay Yumi ay napalipat kay Nova dahil kanina ko pa siya gustong kutusan! Mas malandi pa siya kay Yumi kung makadikit kay Mito animo linta!

Muryou:Taming the Bitch[Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon