Chapter 3-Galit

665 17 0
                                    

Tumigil kami sa isang ilog para painumin ang mga kabayo namin.Tanghaling tapat na at mukhang uhaw na uhaw na ang mga ito.Naghilamos na din ako.

Isang bayan na lang ang dadaanan namin at mararating na namin ang Nero.Nakakapagod din.Kung nandito lamang si Ken ay madali ang lahat sa isang iglap ay nandoon na kami at bahala na kung ano ang dadatnan namin doon pero kasi naman wala siya..wala siya dito sa mundo namin kundi nasa mundo ng mga mortal.Naatasan siya na magpunta doon kasama si Shin at Shugen para tumulong sa paghahanap ng puting mahika.Naalala ko si Yumi at Miyata..napasimangot tuloy ako.Natagpuan na kasi nina Liu at Yona ang nilalang na makakapagsabi ng nakaraan.Nalaman nila na nasa mundo ng mga mortal ang kumuha ng mahika.Natuklasan pa nila na kakambal ni Liu ang nilalang na nakakapagsabi ng nakaraan..si Yuri.Hindi pa sila bumabalik sa Libre at nananatili sa Subeta para hintayin ang pagtitipon na gaganapin sa pangalan ni Liu at Yuri.Ipakikilala sila sa Subeta bilang anak ng dating emperador.

"Nakasimangot ka?"napatingin ako kay Mito na tumabi sa akin.Napatigil ako sa paghihilamos.

Lalo akong napasimangot nung maalala ko ang nangyari kaninang umaga.Nakipaghalikan ako sa kanya! Sa pangalawang beses ay nahalikan niya ako at ang malala pa ay nakipaghalikan ako! Nakakainis pa siya ang unang halik ko nung nasa Jumon kami na para sana kay Miyata!
Kaya inis na inis pati ako sa kanya.

Kaninang umaga ay mukhang irita siya,ngayon naman nakakangiti na siya ha,malakas din ang pahid.

"Paki mo! Nakita pati kasi kita kaya nasisira ang tanghali ko."ingos ko.

"Aray..ang sakit naman noon..samantala gumaganda ang araw ko sa tuwing nakikita kita.."kinindatan niya ako.

Eh..bakit kinilig yata ang kuntil ko?ihh..lintek na Mito arehh!

"Tseh!"pinanlakihan ko siya ng mata habang namumula ang mukha ko.

Pinagpatuloy ko ang paghihilamos.

"Bakit nakalugay ka? Kasi sinabi ko na bagay sa'yo ang nakalugay?"

Muli ay hindi makapaniwala na napatingin ako sa kanya.

"Hindi kaya! Ayoko lang na mapagkamalan kaming magkapatid ng abnoy na si Chichi!"depensa ko.Napahalakhak naman siya.Nakakabwisit ang tawa niya!

"Matagal pa ba kayo dyan? Tayo na at baka abutin pa tayo ng gabi."napabaling kami ng tingin kay Kiba.

"Oo nga..malapit na ang Nero..nandoon na tayo bago pa maggabi."sabi naman ni Chichi.

Tumango si Mito at lumapit na sa kanila.Nakasimangot naman akong sumunod.

Hindi nagtagal ay narating namin ang Nero hindi pa man sumasapit ang gabi.Bumaba kami ng kabayo namin.Masyadong tahimik ang bayan na ito.Napansin ko din na maliit lamang ito kumpara sa ibang bayan na nadaanan namin..halos ilan lamang ang kumpol ng bahay.Mas mabuti madali namin mahahanap ang pakay namin.

Nangunot ang noo ko nung makita ko ang ilan sa mga tao sa labas na nagsipasukan sa mga bahay nila at mga nagsara ng pintuan at bintana.

Nagkatinginan kami nina Chichi.

Anong problema nila?

Nang may lumabas na matandang lalaki na sa gayak ay tila pinuno nila.

"Kayo pala ginoong Kiba,binibining Chichi.Pagpasensyahan nyo na po ang mga tao dito..malaki lamang po ang takot nila sa mga dayo..minsan na po kasi kaming napuntahan dito ng mga berdugong samurai at madami silang pininsala."magalang na yumukod pa ang matanda sa amin."Mga kasama magsilabas na kayo..walang dapat ikatakot..mga taga palasyo ang ating panauhin!"pagkaano ay malakas nitong sabi.

Isa-isang nagsilabasan sa kanya-kanyang bahay ang mga ninja na naninirahan dito.Lahat sila ay nakikiusyoso sa pagdating namin.

"Ano po ba ang atin?"magalang na tanong ng matanda kay Kiba.

Muryou:Taming the Bitch[Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon