One

0 0 0
                                    

RENCE'S POV

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nakakasilaw. Masakit sa ulo. Kinapa ko sa gilid ng kama ang cellphone ko. Napahawak na lang ako sa sentido ko habang bukas-sara ang aking mga mata. Late na naman ako. Dalawang oras na akong late sa klase. Yari na naman ako nito kay Prof. Mariano.

"Yaya Miling! Yaya Miling! Yayaaaaaaa!" sigaw kong malakas.

Bumangon ako at hinanap si Yaya Miling, ang nag-aalaga sa akin for almost 18 years. Matanda na si Yaya Miling pero naninilbihan pa rin siya sa amin. Sabi niya kasi, wala na rin naman siyang babalikan pa. Napagtapos niya na ang mga anak niya at nasa Amerika na ang mga ito. Pinetition siya noon ng panganay niyang si Paul ngunit hindi siya sumama. Sa Pilipinas lang daw siya masaya. Si Yaya Miling ang nag-alaga kay Papa noon at hanggang ngayon, siya pa rin ang nag-aalaga sa pamilya namin.

Pagbaba ko ng hagdanan, dumiretso agad ako sa kusina at doon ko nakita si Yaya Miling.

"Yaya, bakit di mo po ako ginising. Nahuli na po tuloy ako sa klase." sabay mano sa kanya.

"Naku Rence anak, pasensya ka na. Pag-uwi mo kasi kagabi, lasing na lasing ka at umiiyak. Kaya pinagpahinga na lang muna kita ngayong araw. Huwag ka na munang pumasok."

"Thank you Yaya. Pahingi na lang po ng kape."

Kaya mahal na mahal ko si Yaya Miling. She is the mother I never had.

Maagang pumanaw si Mommy dahil sa isang aksidente noong 5 years old pa lamang ako. Galing sila sa isang party noon, sakay ng kotse na minamaneho ni Daddy, binangga sila ng isang delivery truck along Roxas Boulevard. Dead on arrival si Mommy noon at comatose naman si Daddy sa loob ng sampung buwan. Sa panahong iyon, Yaya Miling stood as my mother and father at the same time. Nang gumaling si Daddy, naging workaholic siya at madalang na umuwi sa bahay. We really are in good terms; in fact he has been a great father to me. But through these years, pagtatrabaho na lang ang naging coping mechanism ni Daddy matapos ang lahat.

Kinuha ko ang kapeng tinimpla ni Yaya Miling at pumunta sa veranda. Naupo ako sa rocking chair at doon ko tinanaw ang magagandang bulaklak na sumasayaw sa malamig na hangin.

My name is Clarence Antoinette Buenaventura, Rence na lang for short.

Anak-mayaman. Slacker. Gimikera. Pero siguro, may katiting naman na katinuan.

Ngunit isang umaga, paggising ko, nag-iba na ang lahat.

A Thousand Times OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon