Three

0 0 0
                                        

RENCE'S POV


Unlike yesterday, magaan ang pakiramdam ko when I woke up. I prepared myself early para makakain pa ako ng breakfast before going to school.


"Yaya, thank you sa breakfast. Papasok na po ako."


"Siya sige, mag-iingat ka."


Kapag pumapasok ako sa school, hindi na ako nagpapahatid kay Kuya Boyet. After I graduated high school, sa sobrang tuwa ni Daddy (dahil akala niya total slacker ako), ibinili niya ako ng Hunchback Honda Civic sa isa sa mga kaibigan niya na may garage. Kaya ito ang ginagamit ko ngayon. Dahil sa kabilang bayan pa ang university na pinapasukan ko, it will take me a 20 - minute drive.


Pagkababa ko sa kotse, sumalubong kaagad sa akin si Bernie.


"Bakla, paspasan mo diyan. Kailangan nang makita ni Tomoe ang beauty ko."


"Sandali ha. Hindi ko pa nga naisasara yung pinto ng kotse oh? At saka sinong Tomoe?


"Ano ka ba. Yung bago nating kaklase. Yung i-vinerse ko sayo kahapon."


"Sige mauna ka na. Pupunta pa ako kay Prof. Mariano."


At siyempre naman, sermon ang inabot ko kay Prof. Mariano. Mainit talaga ang dugo non sa akin. Napapakamot na lang ako sa ulo sa tuwing naaalala ko na araw-araw lagi siyang galit sa akin.


Pagpasok ko sa room, may nakita akong kumpulan sa likod. Pati ang baklang Bernie, nandoon na din. Nayamot ako dahil hindi ako makaupo sa pwesto ko sa sobrang dami ng tao.


"Ano ba. Tangna naman oh. Doon nga kayo magkumpulan sa unahan!" sigaw ko.


"Ay Rence sorry. Pasensya ka na. Wag mo kami sabunutan, girl." sabi ng isang classmate ko.


Takot sila sa akin, oo. Alam naman nila na mabait ako, pero pag ayoko, ayoko. At kapag nagalit ako, senyales yun na magtatakbuhan na sila. Nang nag alisan silang lahat, hinanap ko sa bag yung ballpen ko and I started to scribble words in my notebook.


"Ang aga-aga badtrip ka. Ako pala si Tomoe Yamanaka."


Tumayo siya at biglang nag bow sa harapan ko na siya namang ikinagulat ko.


"Ano ka ba bakit ka yumuyukod?"


Ngumiti siya sa akin at iniayos ang salamin niya. "Ganun talaga."


"Japanese ka. Eh bakit nagtatagalog ka?"


"Matagal na ako dito." Natatawang sabi niya.


"Okay. Rence."


"Nani?"


"Ha?"


"Anong Rence?"


"Pangalan ko. Clarence. Pero Rence na lang para maiksi."


Doon na naputol ang usapan namin ni Tomoe. Pumasok na kasi si Prof. Mariano at nagsimula na ang klase. Hawak kasi ni Prof. Mariano halos lahat ng major subjects namin.


Paglingon ko sa katabi kong si Tomoe, nakita kong natutulog siya. Ano ba naman 'tong taong 'to. Kapag nahuli 'to ni Mariano, yari siya. Kaya pilit kong inaabot ang braso ni Tomoe, para kulbitin ito. Naabot ko nga ang braso ni Tomoe pero kasabay nito, nahulog ako sa pagkakaupo ko.


Nagulat ang lahat sa pagbagsak ko, nakita ko si Bernie at Tomoe na nakatingin sa akin. Pero mas ikinagulat ng lahat ang pagsigaw ni Prof. Mariano.


"Buenaventuraaaaaaaa! Out. Get out this instance!"


Puta. Yun na lang na nasabi ko.

A Thousand Times OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon