Four

1 0 0
                                    

RENCE'S POV


"Ano bang problema mo Rence, bakit ka ba nahulog sa kinauupuan mo kanina?" tanong ni Bernie at Tomoe paglabas ko mula sa Guidance Office. Sermon ang inabot ko kay Prof. Mariano at Dean Enriquez.


"Hoy Hapon, close ba tayo? Bakit nandito ka?"


"Ang sungit mo naman, Rence-chan."


Hindi na lang ako umimik. Napipikon ako.


Sumingit si Bakla. "Ano nga kasi nangyari ha Antoinette?"


"Wag mo ko matawagtawag na Antoinette." pinanlakihan ko ng mata si Bernie.


"Nakita ko kasi si Tomoe na tulog. Eh alam mo ayaw ni Mariano nun. Kaya kinulbit ko siya," sabay nguso kay Tomoe.


"Tapos nahulog ka kakaabot sa braso niya?"


Hindi na ako nagsalita. Nakita ko naman si Tomoe na nakatingin lang sa akin. Bwisit na araw talaga 'to. Tyempong lagi na lang kay Mariano. Nagsimula na akong maglakad pabalik sa room. Kinuha ko ang bag ko at lumabas na ulit. Hinawakan ni Bernie ang braso ko na para bang pinipigil ako.


"O-o. Saan ka pupunta bruhilda."


"Uuwi na ako. You know how pissed I am right now. Tsaka masakit 'to."


I looked at my wrist. Kulay violet. Bigla namang hinawakan ni Tomoe ang kamay ko. Nakita niya rin na halong violet at itim ang mga kamay ko.


"Namamaga ang kamay mo Rence-chan."


"I know."


"Ihahatid kita sa ospital."


"Oo nga bakla, pahatid ka na."


"No need." Iwinasiwas ko ang susi ng kotse ko.


"Bakit, makakapagmaneho ka sa lagay na yan?" depensa ni Hapon.


I sigh in defeat. Ayoko sanang magpahatid sa Hapon na 'to pero hindi naman marunong magmaneho si Bernie.


"Sa bahay na lang, Tomoe. Sa bahay mo na lang ako ihatid."


Pagdating ko sa bahay, hinanap ko kaagad si Yaya Miling. Siyempre pinapasok ko naman si Tomoe. Nakita ko si Yaya Miling sa kusina, nagluluto ng carioca, paborito kong meryenda.


"Yaya, nandito na po ako."

"O anak, napaaga ka yata?"

"Yaya, naaksidente ako sa school, nahulog lang naman ako sa kinauupuan ko. Medyo namamaga ito." Itinuro ko kay Yaya ang kamay ko.


"Naku anak, ano ka ba. Sige pumunta ka na sa kwarto mo at tatawagan ko si Dr. Medina."


"Pero po hinatid kasi ako ng kaklase ko, pakiasikaso na lang po."


"Okay anak."


Umakyat na ako sa kwarto at dumating na rin si Dr. Medina in no time. Hindi ko na din nakita ulit si Tomoe para man lang makapagpasalamat. Binigyan kasi ako ng pain killers ni Doc at inadvise na matulog at magpahinga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Thousand Times OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon