RENCE'S POV
That day, I just stayed at home. Sinimulan ko ulit manood ng Season 1 ng The Walking Dead at wala pa mang last episode ng Season na iyon, nagsawa din ako. Since I got home last night, hindi ko pa nakikita ang bag ko kaya agad ko itong hinanap at nagbasa ng notes sa school. Kahit naman slacker ako at madalas gumimik kasama ang barkada, nag-aaral pa rin ako. Ayoko ng disappointments mula kay Daddy at lalo na kay Yaya Miling. Second year AB Journalism student ako ngayon sa Saint David University na matatagpuan sa kabilang bayan.
Habang binabasa ko ang notebook ko, nagring ang cellphone ko at lumabas ang pangalan ni Bernie sa caller ID.
"Besty baklaaaaaaaa! Bakit hindi ka pumasok kanina? Nakakaloka may bago tayong classmate. Ang hot bakla."
"Sira ka talaga. Bakla ka. Di ako ginising ni Yaya e. Oh talaga? Hot ba talaga?"
"Oo bakla. Matangkad tapos chinito. Omaygad."
"Okay yan. Pero pass muna ako sa landi. Alam mo naman."
"Ano, si Kiel na naman. Kagabi ka pa Kiel ng Kiel. Wala na yon bakla! Iniwan ka. Nag flysung sa Kyeneda."
"Bernie, sariwa pa ang sugat. Sariwa pa."
"Drama mo te, lol. Sige na. Radio Brod na kami. Papasok ka bukas diba?"
"Oo naman. See yah."
Napabuntong-hininga na lang ako. Naalala ko na naman si Kiel. Naging kaklase ko si Kiel simula high school at isa siya sa mga best friends ko. Nito lang pasukan, nagtapat siya na gusto niya ako at nagsimulang ligawan ako. Last week, tinawagan ko siya para makipagkita dahil sasagutin ko na sana siya. Pero imbis na siya ang sumagot, katulong nila nakausap ko. Lumipad na raw papuntang Canada si Kiel para doon mag-aral. Walang pasabi. Walang paalam. Mukha kaming tanga ng barkada.
Kumatok sa pinto si Yaya Miling Kahit bukas naman ito. "Anak, kumain na tayo ng hapunan. Nandyan ang Daddy mo."
Lagot ako. Dali dali akong bumaba ng hagdan at inabutan ko si Daddy at Yaya Miling na nakaupo na sa dining table. Una kong nilapitan si Daddy at nagmano sa kanya. Si Yaya ang nagdasal bago kami kumain.
"Bless us, Oh Lord. For this thy gifts which we are about to receive from thy bounty, through Christ our Lord. Amen."
Tahimik lang kaming lahat na kumakain. Ramdam ko ang tension sa paligid. Alam ng lahat, kapag biglang umuuwi si Daddy, may kasalanan ako. Mabuti na lang, binasag ni Yaya ang katahimikan.
"Federico, kumusta ang trabaho mo? Baka pinababayaan mo ang sarili mo?"
"Yaya Miling, ayos lang po ang lahat. Maging ako, maigi ang kalusugan ko. Huwag po kayong mag-alala."
"Mainam naman Federico."
"Clarence. Ano itong nabalitaan kong lasing kang umuwi kagabi?"
"Uh Dad, kasama ko naman barkada e. Sila Bernie."
"Kumusta na sila? Sila Kiel ba, sweetpea?"
Hindi na lang ako umimik. Kapag naririnig ko ang pangalang yon, natatameme ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi din naman alam ni Daddy na umalis na ng bansa si Kiel.
"Sweetpea, sa susunod ha. Kapag mag-iinom kayo ng barkada mo, isasama niyo si Boyet. Kaya nandyan si Boyet para ipagmaneho ka."
"O-opo." Maluwag akong nakahinga. Alam na siguro ni Daddy ang pinagdadaanan ko.
At nang gabing iyon, sinulit ko ang pahinga ko.
BINABASA MO ANG
A Thousand Times Over
RomancePaano na lang kung isang araw, bigla ka na lang nagising mula sa matagal na pagkakahimbing at lahat sila sa harapan mo’y nataranta. May umiyak at meron ding hindi mapigilan ang saya. Pilit nilang tinatanong kung naaalala o nakikilala mo sila. Lahat...