Chapter Twenty One

9.6K 307 27
                                    

Matapos ang nangyaring iyakan sa pagitan nilang dalawa ay inaya naman ni Inay Magda si Ismael para pumasok na sa loob upang makapagpahinga na ito. Naiwan naman sina Bullet at Carlo sa may playground.

"Thank you, Carlo." Wika ni Bullet ng makaalis na ang dalawa. "Para saan ang pasasalamat?" Tanong naman ni Carlo.

"For taking good care of Ismael kanina. Nagkaroon kasi ito ng trauma dulot ng pang-aabuso ng kanyang mga magulang noon. Kaya ibayong atensyon ang ibinibigay namin sa kanya ngayon upang sa ganun ay hindi ito makaapekto sa kanyang paglaki." Paliwanag ni Bullet.

"Naku wala yun. Nauunawaan ko na ngayon kung bakit malungkot ang bata. I'm sorry to hear his sad story. Naging masalimuot man ang nakaraan ni Ismael ay nakatitiyak ako na magiging maganda at positibo naman ang ngayon at ang kanyang hinaharap dahil ginagabayan ninyo siya nina Inay Magda at Miss Jane." Ang nakangiting sabi ni Carlo.

"Again, thank you for your kind gesture. I do appreciate it." Pasasalamat ni Bullet.

"You're welcome." Sagot naman ni Carlo sa kanya. Pagkatapos nun ay hindi na muling nasundan pa ang kanilang tanungan. Tuluyan ng nabalot nang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Ni isa sa kanila ay walang gustong maunang magsalita. Kapwa sila nagpapakiramdaman sa bawat isa.

Samantala ay hindi naman mapalagay sa pagkakaupo si Carlo. Tila sinisilihan ang kanyang pwet sa inuupuan niya. Nais na sana niyang magpaalam dito upang makaalis na ngunit nahihiya naman siyang magsabi dito dahil baka kung ano pa ang kanyang isipin. Matagal din silang hindi nagkikibuan hanggang sa tila nainip na si Bullet at nauna na itong nagtanong.

"Kumusta na kayo ni Morris?"

Sumagot naman si Carlo. "Ayun okay naman kami. Going strong." Pagmamalaki niya. "That's good to know. Hindi nasayang ang pag-iwas ko sa inyo." Wika naman ni Bullet. Nabigla man si Carlo ay agad niyang iniba ang tanong dito. "Ikaw, kumusta ka?"

"I'm good." Matipid na sagot ni Bullet. Nagtanong muli si Carlo. "Wala ka pa bang nahahanap na girlfriend?" Tiningnan siya ng seryoso ni Bullet. "Naiinip ka na ba sa pagiging single ko?" Tanong niya.

"Naku hindi naman sa ganun. Gusto ko lang na makita kang masaya. Deserve mo kaya yung magkaroon ng masayang love life." Wika ni Carlo na kinakabahan na sa patutunguhan ng kanilang pag-uusap.

Natawa naman ng pagak si Bullet pagkatapos ay muli siyang tiningnan nito sa kanyang mga mata. "How will I supposed to be happy if my happiness is with someone else now?" Tanong niya.

Hindi naman nakapagsalita agad si Carlo sa sinabi ni Bullet. Nailang siya sa paraan ng pagkakatitig nito sa kanya kaya minabuti na lamang niya na tapusin na ang kanilang pag-uusap. "Naku! Kailangan na po pala namin umalis sir. Mahaba pa po kasi ang biyahe namin pabalik ng Maynila. Panigurado ako na hinahanap na kami ni nanay." Wika ni Carlo.

Napailing na lamang si Bullet. "I see. Ihahatid na kita sa labas." Sagot niya.

"Bakit nga pala ikaw ang nagdeliver ng mga orders ko?" Tanong ni Bullet. Kasalukuyan silang naglalakad sa may pasilyo ng bahay ampunan. "Hindi po ba nasabi sa'yo ni nanay? Pupunta po kasi siya ngayon sa City Hall para ayusin ang mga permits ng kanyang business. Napakiusapan po niya ako na kung maaari ay ako muna ang sumama sa pagdedeliver nila Kuya Ferdie." Ang paliwanag ni Carlo sa kanya.

"I get it. So what was the reaction of your boyfriend to your mother's request?" Tanong muli ni Bullet. "Hmmm okay naman sa kanya. Pumayag naman siya sa pakiusap ni nanay." Sabi ni Carlo.

Nagulat si Bullet. "Oh really? I was surprised with your boyfriend's reaction though." Wika niya. Napakunot noo naman si Carlo. "Anong nakakagulat doon?" Tanong niya. Huminto si Bullet sa paglalakad pagkatapos ay humarap ito kay Carlo. "Because he's letting you here knowing there is a possibility that we will meet again today." Paliwanag niya.

The Lustful Neighbor | R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon