Prologue

235 2 0
                                    

Ako’y isang sirena

Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda

Ako’y isang sirena

Kahit anong gawin nila korona ko’y di tutumba

Drum na may tubig and sinisisid

Naglalakihang mga braso, sakin’ dumidikdik

Drum na may tubig ang sinisisid

Sa patagalan ng paghinga sakin kayo ay bibilib.

-Sirena by Gloc 9-

Akesh jisang sireynabels

Kahit anek ispluk nila, akes ay fatale sa byonda

Akembang jisang sireynabels

Watever ispluk nila korona kes witchikeli bam bambini cologne summer fresh falling down

Drum sung ever with waterlalu anashi ang dinadayvaloo

Bigalou na mga brasuhan, sakin' bumuboogie wanderland

Drum sung ever with waterlalu ang dinadayvaloo

Sa portugalan ng paghinga sung ang lola niyo ay pak na pak! 

-Sirena gay lingo version by Author. XD-

BAKLA / BEKI / SIRENA / BAKLITA / CONALEI / BAKLUSH

Yan ang tawag nila sakin. Oo. bakla ako.

As in B-A-K-L-A. Lalaki na kilos babae. Lalaki na malandi. Lalaki na pumipilantik ang kamay. Lalaki na may mahabang buhok. Lalaki na may suso. Lalaki na may pambayad sa kapwa lalaki. Lalaki na maharot.

Bata pa lang ako nadiscover ko nang Darna ako.

Sinusuot ko yung bra ni Inay para kunwari may boobs ako.

Nagsusuot ako ng panty para girl na girl ang peg.

Naglalagay ako ng ng napkin sa panty ko para kunwari meron ako.

Palagi ako nagpupulbos para kunwari naka make-up ako.

Tinutupi ako yung shorts para maging pekpek shorts.

Masaya ako sa pagiging bakla. Kahit na alam ko na sa mundong ito, hindi kami katanggap-tanggap sa mata ng tao. Bawat kilos may matang nakatingin. Bawat galaw ay may mga bibig na nanghuhusga..

Na kapag BAKLA daw,

Puro buking lang ang gusto. 

Walang respeto.

Puro kalandian.

Puro kabastusan.

Puro kagaguhan.

Walang patutunguhan.

Walang relihiyon.

Walang Diyos na sinusunod.

So isang hakbang na lang satanas na ako? Ganon? Okay. Sabihin niyo na lahat ng gusto ko sabihin at hahayaan ko lang kayo gawin yon. Dun kayo masaya eh. As long as wala akong tinatapakang tao, alam kong wala akong ginagawang mali.

Puta man ako sa tingin niyo, okay lang yon. wala akong magagawa sa tingin ng lahat sa akin. Kahit  ano naman kasi ang gawin ko, may masasabi pa rin kayo. Kaya go lang. Life must go on. Basta ako, bading man ako sa inyong paningin, ganun din sa aking paningin. XD

***

Dear Inay,

Pumunta ako ng lbc kanina. Pinadala ko na yung rice cooker pati yung laser beam. 'Nay pakisabi naman kay Noknok tigilan niya na ang kakahingi ng laruan baka siya pa ang ma-laser beam ko!

Jokes lang ever mudra! i lab you 'nay! Mwah!

Your dyosang anak, 

Gray Fionne.

Resisting a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon