Chapter 4*

86 4 0
                                    

"Smith."Sagot ng boses lalaki sa tawag ko. Alam kong siya na iyong Rio na ex ni Randee dahil halatang bad boy ito dahil ganon na ganon ang tunog ng boses nito.

Sa totoo lang, kinakabahan talaga ako sa narinig kong sumagot ng tawag. Pang narinig ko na siya dati. Parang natakot ako bigla dahil sa boses niya.

Kinausap ko si Randee at tinanong ko sa kanya kung meron ba siyang phone number nung Rio na boyfriend niya. Ay ex na pala niya. Sabi iya, meron daw pero hindi daw siya sinasagot nito dati pa kapag tinetext niya ito o tinatawagan kaya ang sekretarya nitong si Shaney ang tinatanong niya palagi.

"Mr. Second Rio Smith? is that you?" sagot ko sa kabilang linya. bumibilis yung tibok ng puso ko. Narinig ko na talaga yung boses niya dati pa.. Hindi ko lang matandaan kung saan.

"I will kill you for knowing my whole name." then he hung up on me.

"AAAAAH! BWISET! napaka ng Rio na yun Randee bat mo ba syinota yon? Tinanong lang yung pangalan niya galit na agad? OA!!!"

"Ayaw niya kasi na may nakakaalam ng buong panagalan niya, tapos ikaw na di niya kilala, alam yung pangalan niya? magagalit talaga yon."

"Ay! tama! okay lang pala yun beks! tama lang na sinabi ko sa kanya yung pangalan niya para maasar ng hinayupak!" >.<

"Bad Girl."

Kanina kasi tinanong ko yung buong pangalan ni Rio kay Randee. Sabi niya, Rio Smith lang daw yung gusto nitong itawag sa kanya at walang nakakaalam na may pangalan pa siyang Second pero alam ito ni Randee dahil nag imbestiga siya dito at tiningnan din nito yung opisina ni Rio sa bahay mismo nito para tignan yung mga papeles at doon niya nakita na Second Rio Smith pala ang pangalan nito.

"Pero ba't kaya tinatago niya yung pangalan niya? Abnormal yata yun eh."

"Di ko rin alam e. Sige Yonah, tulog na ko." tinungo na ni Randee ang pinto papunta a kwarto niya. Malungkot na naman ang mukha niya.

"Randee." tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya para pakinggan ang sasabihin ko.

"Sigurado ka ba na payag ka?"

Sandali siyang nag-isip at saka tumingin sa akin ng diretso.

"Oo. I'm sure of that. Go ahead, just make sure he will feel the same way as I feel right now." at tuluyan na siyang pumasok ng kwarto. Mag isa na lang akong naiwan sa sala.

Now I already have the permission. Randee agreed to make that bad Rio suffer to death and I, Yonah, will make that happen.

***

"Bakla! Aga-aga kay baho ng hininga mo! Pwede naman magtoothbrush e." sigaw ni Choco kay Ero habang dala-dala ang pagkain na kakainin namin sa umagang ito.

"Katamad ever friend! Eatlaloo muna akis!" sagot ni Ero dito.

"Uy! Kakainis na tong phone ko sira na naman! Ayy bwiset na de puta!" hindi pa nag uumpisang kumain si Ero dahil sa cellphone niyang sira daw. Kanina pa niya kinakalikot ito, pangatlong phone niya na kasi ito at bawat phone ay lagi niyang nasisira.

"Akin na nga!" sigaw ko sa kanya sabay abot sa phone niya.

"Yonah marunong ka niyan? Parang di naman!?" pangaasar pa ni Ero sakin at saka na siya nag umpisang kumain.

"Oo kaya." umurong ako ng onti mula sa kinauupuan ko at tinapon ko ang phone sa bintana.

"BLAG!"

Resisting a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon