Chapter 1*

239 4 0
                                    

"SHUTANGINA BAKLA GIVENCHY MES SAKENCHI PUNDASYON ARA! DALI!" (potangina bakla ibigay mo sakin yung foundation! Bilis!) sumigaw na si Choco dahil medaling madali na siya sa pagme-make up kay Randee. Nasa Miss. Gay pageant  kami ngayon tapos ang ipanglalaban ng barkada namin, si Randee. Si Randee kasi ang pinakamaganda sa barkada naming mga bakla na sumunod sakin. Siyempre ako ang pinakamaganda noh? Mukha nga daw akong babae eh kaya lang hindi ako sumasali ng Miss. Gay dahil nahihiya ako ever. Kaya, mas sikat si Randee dahil siya ang sumasali ng Miss. Gay na may magandang mukha. Yung iba nga ang sama naman ng mga mukha kung makasali grabe! XD Si Randee din ang pinakabestestfriend ko sa lahat. Sa lahat ng bagay magkasundo kami, sa lahat din ng mga taong nananakit sakin, siya din ang tagapagtanggol ko. Si Randee, Choco, Doggy at Ero ang tinuturing ko na pamilya dito sa Maynila nakatira din kaming magkakaibigan sa isang apartment ng sama-sama. Pwera kay Ero dahil nakatira pa rin ito sa parents niya dahil Mom’s gay siya.

“Itis na oh!” (Ito na o!) inabot naman ni Doggy ang foundation kay Choco at itinuloy na nito ang pagme-make up kay Randee. Si Choco ang pinaka-talented saminng mga magkakaibigang bakla. Magaling siya magtahi ng mga gowns pati magaling din siya mag make-up. Sa parlor niya nga kami lagi nakatambay eh, at napansin ko, dagsa lagi ang mga customers niya don dahil bettyful ang service niya. Sa itsura, ayos lang naman si Choco, parang sa gitna ng pangit at maganda? Ganun siya! Levelalou lang. Kaya lang napakataba ng bakla iyan! Kelvinator kung kelvinator talaga! (Kelvinator-taong sobrang taba sinlaki ng refrigerator).

Si Doggy naman, maraming nagsasabi na mukhang aso daw yan kaya binansagang Doggy pero  Mar  talaga ang pangalan niya.  Ang layo ng Doggy sa Mar deva? Wala eh. Nickname lang naman. Pati tuloy kami nasanay nang tawagin siyang Doggy.  Wala siyang talent as in bobita jones na bakla talaga. (bobita jones-bobo)  pero mabait naman siya sa lahat pati nakakatawa talaga siyang bakla. Siya nga nagpasok sa amin sa gay bar kung saan kami nagtatrabaho tuwing gabi eh.

“Yona, sight mes yung contestant no. 4? Ay bakla pak na pak georgina wilson gandara talaga may bogelya pa!” (Bakla, nakita mo yung contestant no. 4? Bakla, pak na pak sa gorgeous! Ganda talaga may boobs pa!)  bulong sakin ni Ero. Si Ero ang pinaka kyota sa amin. (Kyota-bata) pero utak kyotatalet! (Kyotatalet-sangol) dahil katulad no Doggy, bobita rin siya. Pero magaling siya sumayaw talo niya kami sa sayawan. Pero kahit magaling siya sumayaw, madami pa rin ang naiinis sa kanya dahil siya ang pinaka dugyot na lamang lupa sa mundong ibabaw. Napakyawti ng baklang yan mahogany ara! (Kyawti-mabaho, Mahogany-mabaho rin) di yata marunong maghilod yan e o hindi lang talaga naliligo? Ewan. Sinabihan na namin siya tungkol sa amoy niya dedma lang siya eh. Ang jininga din niya imburnelya ang amoy! Napakabaho din! (jininga-hininga; imburnelya-imburnal) tamad kasi siya mag toothbrush eh, kaya ganon. Pero tanggap namin siya kahit ganyan siya. Walang pinipiling itsura at amoy ang pagkakaibigan. Amen.

“Yis. Na-sight kes. Wititit. Luz Valdez yan ni Randee.” (Oo. Nakita ko. Hindi yan! Talo yan ni Randee) sagot ko kay Ero. Maganda nga naman talaga yung contestant no. 4 na sinasabi ni Ero eh. Makinis pa yung balat. Pero tiwala ako na winner si Randee matalino sumagot yan si bakla sa Q and A. Beauty and brains.

Naging busy na kami dahil pinaplasteran na namin ng packing tape ang nota ni Randee. (Nota-male genital) ganun kasi yun pag Miss Gay. Malamang maraming nagtataka kung bakit hindi umuumbok ang nota ng mga bakla kahit na fitted na ang gowns nila o kahit na naka swimsuit pa sila, walang bakas ng pagkalalaki. Salamat sa packing tape dahil ito ang nagtatago ng nota ng mga bakla tuwing gay pageants na tulad nito.

Resisting a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon