Dear Diary;
Ang bilis ng mga araw.. two weeks na lang Graduation na namin.. Ang dami kong ma-mi-miss.. Kaya nga nakakapagod sobrang busy kasi at hectic ng schedule namin.
Natatandaan nyo ba yung sinabi ko na may gusto ako kay Shinn?
Ayun last week sinabi ko sa kanya ang tunay kong nararamdaman sa kanya.. at ang sagot niya... wala...as in wala siyang sinabi ni ha o ni ho. Bigla na lang siyang umalis at iniwan akong naghihintay ng sagot niya.
Yan nasasaktan na naman ako! Pesteng pagmamahal! Lintek na puso! Bakit kung sino pa yung mahal mo, siya yung taong hindi pedeng maging sa iyo. Palpak na naman si Kupido.
POOPIE