Dear Diary;
Akala ko tapos na yung malalaking pasabog sa buhay ko, kaso hindi pa pala..Kasi naman yung kutong lupa kong Ex pinuntahan ako sa classroom at sinabing mahal pa rin daw niya ako.Grabe ha! Ang kapal ng face niya.At di lang yun sinabi rin na mahal ko pa rin daw siya kaya kailangan na naming magkabalikan.Nakatikim tuloy siya sa akin ng mag-asawang sampal.Kala mo ha! 3:)
HIndi rin ako kinakausap ni Shinn.Dedma lang siya sa akin.Hindi na rin niya ako kinukulit kaya hanggang matapos yung araw badtrip ako.Pwede naman kansi niyang sabihin sa akin na hindi niya ako gusto,na wala siyang nararamdaman sa akin ni katiting.Pede rin nyang sabiin sa akin na "Sorry ha pero hanggang friendship lang talaga ang kaya kong i-offer sayo." Pero wala ee. Hayan tuloy lalo lang akong umaasa na baka mahal niya rin ako pero at the same time nasasaktan ako.
POOPIE