Dear Diary;
Araw na nga ng graduation.. at top 1 ako ! yehey! hah! kala nyo.. at pag top 1 syempre may speech. Noong una kinakabahan ako pero dahil nag che-cheer sa akin si yobo. Ayieee!! Nawala tuloy yung kaba ko.
Pagkatapos ng 1 dekada, ayun tapos na ang graduation at syempre hindi nawala ang picture taking.Ayun ang pinaka-gusto kong part.Adik kasi ako sa picture ee. Tapos biglang lumapit sa akin si ex sabi niya kami na lang daw ulit. Ba! Kapal ng face niya ha. Buti na lang dumating si yobo kung nagkataon nakatikim siya ng flying kick sa akin. Pero so much for that... isa lang ang alam ko, masaya ako ngayon sa piling ng aking mahal.
Ngayon naiintindihan ko na ng konti ang love. Dapat pala hindi natin pinangungunahan ang tadhana.Dapat maalam tayong maghintay. Sabi nga doon sa isang librong nabasa ko...dapat maalam kang bumitiw pag alam mong hindi na tama pero at the same time dapat maalam ka ring ipaglaban ang taong mahal mo lalo pa at alam mong sasaya siya sa piling mo para in the end hindi ka umuwing luhaan at nasasaktan.
POOPIE