Dear Diary;
Hindi na ako nakatiis sa pagiging tahimik niya.One week na lang Graduation na namin kaya kinausap ko uli si Shinn at tinanong ko siya kung gusto niya rin ako.
Ilang segudo ata ang dumaan bago siya nag-salita...At ikinagulat ko yung sagot niya.
Mahal niya rin daw ako noon pa.Hindi niya lang daw maamin dahil na to-torpe siya.Dahil natatakot daw siyang mabasted ko.Nagkaroon daw siya ng konting lakas ng loob nung magtapat ako ng feelings ko sa kanya.Hindi niya lang daw muna ako kinausap dahil nag-iisip siya ng magandang paraan para makabawi sa pagka torpe niya.Dapat daw kasi yung lalaki ang unang nagtatapat ng feelings niya kaya hiyang-hiya siya.
Alam nyo ba, yung itsura niya habang sinasabi niya yun sa akin nakakatawa kasi pulang-pula siya at hindi makatingin sa akin ng diretso.Grabe!! ang saya ko. Ahahaha . Kinikilig ako ng bongga!! Ito na ang pinaka-masayang araw sa buong buhay ko.Ayieeeee!!!
POOPIE