Chapter 25

3 1 1
                                    

Hiro's POV

11 months later
Sa labing isa buwan na iyon ay marami nang nagbago, ngayon ay nandito ako sa France at kasalukyang nag papa therapy , naoperahan na din ang aking mga mata.Nakakakita na rin ako. Pero hindi parin maalis ang sakit sa puso ko ng iwan ako ni Andrea. Sobrang galit at pagkasuklam ang nararamdaman ko sakanya. I hate her the most.

"Hiro "

Napalingon ako sa babaeng tumawag sa akin. Nandito ko sa Clinic nang sarili kong doctor siya ang personal na nag te-therapy sa akin.

"kamusta ? " nakangiti niyang tanong sa akin. Ang mukha niya maaliwalas kahit walang make up at ang ngiti niyang nakakahawa ay napangiti nalang din ako.

"ayos lang , nahihirapan pa din akong dalhin ang sarili kong bigat "

"hahaha ano ka ba ? Wag ka kasing magmadali "

At inalalayan nga niya ako at ang aking nurse na makaupo. Tatlong beses sa isang linggo kung mag therapy ako.

"ano? San mo gusto pumunta after this ?"

"kahit saan gusto ko sanang makalanghap ng sariwang hangin "

Naging malapit na din siya sa akin simula ng samahan niya ako at tulungan na din sa mga operations ko dito sa france. She 's a special friend of mine.

"alright , pupunta tayo sa park mamaya but for now kumain na muna tayo at gutom na ko "

-----

Katulad nga ng pinangako niya ay nagpunta kami sa park. Tinulak niya ang wheel chair ko papunta sa isang bleacher na walang nakaupo umupo siya dun . Tahimik niyang pinagmamasdan ang mga batang naglalaro . May nag papalipad ng saranggola, may naglalaro ng bola at may naglalaro din naman sa playground.

"Lein " Lumingon siya sa akin ng tawagin ko ang pangalan niya.

"hmm ?" nakangiti niyang tugon.

"Thank you "

Thankful ako kasi kahit na noong unang araw namin dito sa france ay hindi naging maganda ang trato ko sakanya. Halos ipagtabuyan ko na siya. Pero hindi niya ako sinukuan.

Tulala lang ako matapos namin mag usap ni Andrea. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.Dalawang araw na ang nakakaraan matapos nang pag uusap namin .

"hiro " hindi ko pinansin ang tumawag sa akin . Wala ako sa mood na makipagusap gusto kong puntahan si Andrea.Pero paano ? Isa na akong lampa na bulag !

F*ck this !

Gusto ko nang takasan ang sakit na nararamdaman ko.Pakiramdam ko ay unti unti akong pinapatay nito .

"Lein.. Please h-help me , i want to go away p-please please "

At saktong bagong taon ay umalis kami ng bansa. Tulala lang ako sa unang araw namin dito . At alam ko rin na kinaaawaan ako ni lein dahil sa itsura ko ngayon.

Guardian Angel In Painful timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon