Chapter 8

4 1 0
                                    

Hiro's POV

Nalaman namin na marami sa customer namin ang nag demanda sa amin. Pero ang pinag tataka ko ay kung paanong nangyaring na food poison ang mga customer namin ?

Ngayon ay nakaharap kami sa ilan sa mga nag iinbestiga ng kaso . Hindi muna kami nagsasalita since wala pa naman yung attorney ng family namin .

Inaasahan kong darating si atty. Mendez ngunit hindi kilalang tao ang dumating at nag pakilala bilang attorney namin . Pinagkatitigan ko ito matikas ang tindig at halata mong palaban . Sa tansya ko ay matanda lamang ito ng kaunti sa akin. Tinignan ko si Mr.Kedzie ngunit pati ata siya ay tila naguguluhan

"Good morning sir . I'm Atty. Robert Santiago , i will be their attorney "

-------------

Shalein's POV

"kamusta ang kaso ? " tanong ko kay attorney santiago. Sya ang inatasan kong tumulong kay hiro. Pero bago yun ibinilin ko na hindi dapat malaman ni hiro na ako ang nagpadala sakanya . Kilala ko si Mr.Mendez ang family attorney nila ngunit hindi ako nakakasigurado sa galing nya kaya binayaran ko siya upang mag dahilan nalamang kung bakit hindi siya nakapunta.

"everything goes well ma'am, iniimbestigahan pa rin sila at sa tingin ko ay aabot ito sa korte "

"well , do your job and make sure that you'll win this case "

"yes ma'am i will "

"good "

Eto nanaman ako ginagawa nanaman ang mga bagay na dapat di na ulitin pa . Pero di ko siya matiis . Naalala ko nanaman kung paanong nag simula ako tulungan sya sa kahit anong problema nya

Time ng philosophy at may graded recitation kami . Maaga akong pumasok actually mga 6 nasa school na ko at ang umpisa ay 7 . Hindi katulad ng normal na klase na sa klase ginaganap yung graded recitation kami sa faculty ng prof. Kadadating ko lang sa tambayan balak ko pa man din sanang hintayin ang barkada habang nag rereview ako nang dumating si hiro.

"uy lein diba 1st batch ka ? " tanong ni rachelle , tinanguan ko lamang sya bilang sagot

" ikaw rin hiro diba 1st batch ?"
Tinanguan lang din nya ito

"o , e pumunta na kayo sa faculty ni sir . Nagtext na si pres mag sisimula na daw "

I checked the time and its already 6:30 i still have 30 minutes . Balak ko pa sanang hintayin ang barkada pero huwag na pala . Sayang yung moment na to hahaha siguro itetext ko nalang si kambal mamaya.

Magkasabay nga kaming pumunta sa faculty ni sir . Oo kami lang dalawa enebe . Kenekeleg eke .. Habang nag lalakad kami ay nag rereview ako pero walang pumapasok sa utak ko kasi nga kinikilig ako . Yiee . At kasabay nun ay hinihiling ko rin na sana malayo pa yung faculty nasa third gate kasi yun ee. :3 Nang dumating kami ay napukaw namin ang attention ng lahat nang mga kaklase namin na nadun na. Halata sa mukha nila ang pagkagulat

Guardian Angel In Painful timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon