Chapter 16

1 1 0
                                    

Clark's POV

Dahil na rin sa nagkasakit si lein ay naisipan ng barkada na huwag nalang tumuloy sa reunion . Wala kasama si lein sa condo nito kaya naisipan ng barkadang kami nalang ang mag alaga dito .

"hindi niyo naman kailangan gawin to . Sige na umattend na kayo "

"hindi nga pwede . Paano ka ?" tanong ni keith

"ayos lang ako . Wag kayong magalala . Malaki na ko kaya ko na sarili ko"

"ba't ba ang tigas ng ulo mo ! ?" inis na tanong ni chong

Natahimik ang lahat nang marinig namin ang galit na tono ni chong. Kilala namin si chong bilang isang maluko, at may mahabang pasensyang tao. Kaya pag ganyan ang tono ng kanyang pananalita ay siguradong galit iyan .

Pati si lein ay napatahimik din , matapos ang awkward moment na iyon ay nag decision ang barkada na mag sleep over sa condo ni lein.

-----------------------------------------------------------

Kinabukasan

Hindi na masyado masama ang pakiramdam ko . Masaya ako at nakikita kong nag aalala talaga ang aking mga kaibigan . ALam kong gusto nilang umattend sa party na iyon dahil gusto din nila makita ang iba naming classmates pero nang dahil sa akin ay naudlot ang excitement nila .

Nang magising sila ay nagluto na rin ang tatlong babae para sa almusal . Habang ang mga lalaki naman ay nag si ligo na at ang iba ay nanunuod ng tv . AKo naman ay hindi nila hinahayaang kumilos kaya eto nakahiga lang ang peg ko . Daig ko pa ang may malubhang sakit

"Guys " tawag ko sa attention nila habang kumakain kami . Pinili nilang sa kwarto ko na kumain para daw may kasabay ako

"uhm .. Ayos na naman ang pakiramdam ko , k-kung gusto nyo ay humabol tayo sa reunion ?"

Since sa isang araw pa talaga ang party ay gusto ko na rin pumunta ngayon para makadalo na rin sila .

Nagkatinginan muna sila bago bumaling ang tingin nila sa isang tao . Kay chong syempre leader e siya mag dedecision

"you sure ?"

"yes "

"okay . Mag ayos na kayo mamaya maya . Aalis tayo ng tanghali ."

Naghiyawan ang lahat sa sobrang saya . Napangiti na lamang ako.

Tanghali na nang umalis nga kami . At dahil malapit lang ang five star hotel na receptional ay halos isang oras lang din ang biyahe .

Sinalubong kami ng iba naming mga classmates pati na rin nila hiro at andrea

"uy mga brad ba't ngayon lang kayo ?" tanong ni hiro habang nag tinatapik ang mga barkada naming lalaki

"ah . Nagkasakit kasi si lein . Alam mo namang hindi namin kayang pabayaan si lein "sagot ni zach

"ow kumusta pakiramdam mo ? Ayos ka lang ba ? " tanong ni hiro na halata mo ang pag aalala sa tono ng kanyang boses

"oo ayos na ko salamat " ngumiti ako pero alam kong hindi iyon umabot ng tenga

Nakita kong nakatingin sa amin si andrea kaya nang makita niya akong nakatingin sa kanya ay ang siyang ngiti naman niya sa akin

"kumusta lein ?" bati nito sa akin sabay angkalan ng kanyang braso sa braso ni hiro

Tumingin ako ng diretso sa kanyang mata bago sagutin

"ayos lang " i smile . The fake one . Wala naman akong ibang choice kung hindi sabihing okay lang . Tama naman ah ? Ayos lang, ayos lang ang lahat para sa akin . Kahit minsan hindi na . Bumaba ang tingin ko sa braso nila

Guardian Angel In Painful timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon