One

29 7 6
                                        

Chapter 1

"Nia, saan mo balak pumunta this sembreak? Oh my god, try natin mag Palawan kaya? Amanpulo! Tayo nila Ken, watdayah think?" tili ni Amanda. Agad na nag salubong ang dalawa kong kilay at umirap.

I told her na hindi ako yung taong nag lalalabas and such. Ako yung taong bahay lang.

Siya lang yung nakakatagal saakin. I don't have a bunch of friends because i refuse to have it. Kontento na ko sa dalawa kong kaibigan. Ken and Amanda. Sila lang ang meron ako. At hindi ko kaya kapag nawala pa sila saakin.

"Hay nako girl, try mo naman lumabas ng house mo no? Hindi ka ba nabobored?" tanong niya at sabay irap.

"No." matigas ko sabi.

"Yo girls, anong plano this coming sembreak?" biglang sambit ni Ken na kakagaling lang ata ng basketball.

"Palawan sana pero ayaw ni Chania." sabi ni Amanda na may lungkot base sa kaniyang tono.

"Sus, ayan pa eh kill joy yan." sa pag kasabi niyang yon ay mabilis ding' lumipad ang middle finger ko sa ere.

"Shut the fuck up."

"Damn, chill chill." humalakhak siya.

"So anyway, anong plano?" tanong ni Amanda na ngayo'y inaayos ang bag niya. Nasa cafeteria kasi kami ngayon at pauwi na ko dahil puro vacant nalang naman ang ibang subject.

"Party? Bed hopping? sa apartment ni Chania!" sabi ni Ken at sabay silang humalakhak.

Akma na sana akong tatayo pero hinigit ni Ken ang kaliwang pulso ko at napaupo ulit ako.

"I'm just joking."

"But your joke isnt funny." ani ko.

"I'm sorry."

"Okay, no hard feelings." sabi ko at napairap.

"Stop with the cat fights. Una na ko, Ken, Nia. May pasok pa ko, bye girl! Mwa." sabi nya at bumeso pa saakin.

Nauna na din akong mag lakad at hinayaan kong sundan ako ni Ken.

"Wala ka na bang papasukan?" tanong ko kay Ken.

"Wala na. Ikaw ba? Pauwi na ko eh." aniya.

"Same."

Patuloy kami sa pag lalakad sa hallway ng biglang may humarang sa dinadaanan ko.

"Hi Chania!" sambit netong lalaking nasa harapan ko kasama ang tropa niyang mukhang ginupitan ng tulog na barbero dahil mukha silang tanga sa mga buhok nila.

Naaalala ko, eto din yung lalaking humarang saakin noong isang araw. Patuloy siya sa pag sasalita at hindi ko naman maintindihan dahil may accent siya ng pag kachinese.

"By the way, I'm Joshua Tan." sabi niya at nag lahad ng pulang rosas saakin.

"Move." malamig na sabi ko.

"Pero hayaan mo naman ako-"

"I said move, I'm not interested. Tigilan mo ko." sabi ko at akmang lalagpasan na siya pero hinarangan niya ako.

Tinignan ko siya ng matalim pero baliwala lang sa kanya ito. Akma niyang hihigitin ang braso ko pero inunahan ko siya.

"Fuck, are you deaf? I. Said. Move. MOVE." matigas kong sabi at sabay tulak sa kaniya. Nasayang ang 20 minutes ng buhay ko.

Patungo kaming parking lot at kanina pang walang imik tong kasama ko. Habang hinahanap ko ang keyless remote ng kotse ko, bigla kong narinig ang mga bulong ni Ken habang papuntang likod ng kotse niya.

"Shit, mukhang mahihirapan ako ah."

"Bakit, naputukan ka ng gulong?" tanong ko ng biglaan.

"Oo, naputukan ng puso."

"The hell are you talking about?" tanong kong natatawa.

"Wait. WHAT?! Oh shit, i mean oo naputukan ako ng gulong." natataranta niyang sabi at itong ikinahalakhak ko. Lumapit ako sa kotse niya at chineck ang mga gulong. Wala namang sira ah?

"Walang pumutok, kahit flat wala. Pinaglololoko mo ba ko?" sabi ko sabay ngisi.

"O baka naman may pinopormahan kana? Naputukan ng puso ah. Dammit! Who's that lucky cat, Ken? Did you bang her already?! Ooppss, sorry." sabi ko at lalong lumaki ang ngisi ko.

Tawang tawa ako ng nakita ko ang frustrated niyang mukha kaya napahawak ako sa tiyan ko.

"OF COURSE NOT! DAMN YOU CHANIA FAJARDO!" sigaw niya at lalo akong napatawa. Sa tingin ko mauubusan na ko ng hangin ngayon kakatawa.

"Calm the fuck down, Ken." halakhak ko. Pumasok na siya ng kotse niya at pabagsak na sinarado ang pinto at pinaandar.

Sumandal ako sa kotse ko at huminga ng kaunti. Feeling ko nawalan ako ng 50% na oxygen sa katawan kakatawa and that moment,

I died of laughter...

A Rebellious Black SheepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon