Seven

8 6 9
                                    

Chapter 7

Dahil pareparehas kami ng oras ng pasok ngayon, sabay sabay kaming pumasok.

Kotse ni Gavin ang gamit. Siya din ang sumundo saamin.

Si Gavin nag dridrive tas nasa front seat naman si Mandy. Tabi kami dito sa likod.

Di kami nag papansinan. Ewan ko, pakealam ko ba.

"Hay nako." buntong hininga ni Mandy.

"I thought you two are okay now?"

Napaiwas ako ng tingin.

"Kala ko din." sambit ni Ken sa tabi ko.

"Shut it. We're here." sabi ni Gavin na ngayon ay papunta na ng parking lot ng school.

Nauna na akong bumaba dahil kabilang building pa ko at baka ma late pa ko.

"Hey, what's wrong? Kala ko okay na tayo?"

O-k-ay? Akala ko din.

"Wala ako sa mood." sabi ko ng hindi siya nililingon.

"Weh? Ano nga." pangungulit niya. Kainis.

Napatigil ako sa pag lalakad at tinignan siya sa mata. Halatang nagulat siya kaya napatigil siya.

"I told you, im not in the mood. So shut up." sabi ko at nag lakad na ulit.

Nakarating na ko sa klase at buti nalang wala pang prof.

Naupo na ko. At nakita ko si Ken na nakaupo sa tabi nung kablock kong irregular. Yung maputing chinita na simple pero maganda.

Tinignan niya ako at ngumisi. He mouthed me, "i-know-youre-jelous"

Lumipad ang midfing ko sa ere.

"What the hell are you doing here?!"

"Chill, Fajardo. Classmate tayo sa class na to. Lutang ka?" napatigil naman ako at binuklat ko ang schedule notebook ko.

Oh shit. Oo nga no. K.

Sinaksak ko nalang sa tenga ang mga earphones ko. At dahil nasa harapan si Ken ay nakikita ko siyang hinaharot yung kaklase namin na Chinita.

Napairap ako tas biglang pumasok ang prof kaya napatago ako ng phone at earphones.

∆∆∆

Papunta na ko sa last class ko ngayon, 7 pm na. I wanna go homeeeee.

Biglang sumulpot sa harapan ko yung Joshua Tan kaya napaigtad ako.

"Damn it! What's your problem, bastard?!"

"I just wanna ask you for a date." sabi niya at nginitian ako. Mabait naman siya at gwapo pero wala akong pakealam.

"Joshua, I told you I'm not interested. Find another girl there who deserve your love. Okay? Okay? Okay!!!" bulyaw ko kaya nauna na ko. Malate pa ko eh pwe.

Nakapasok na ko sa classroom at napansin ko na inaantok na lahat ng kaklase ko. Maski ako eh inaantok eh.

Tutal 30 minutes lang naman to kaya pag tyagaan na. Finals na, focus focus. Ariana Grande muna tayo.

At nag simula ng mag turo ang prof. Minsan naiisip ko na napaka galing nila dahil nakakayanan nila mag turo sa mga taong hindi naman nakikinig.

At sa pag lipas ng 30 minutes eh lahat kami ay gusto nalang siya iuntog sa white board dahil wala kaming maintindihan sa tinuturo niya.

Pauwi na ko at naalala ko coding nga pala ang kotse ko kaya mag cocommute nalang muna ako.

Madilim na kaya naisipan ko mag papasundo nalang ako.

Pero kanino?

Nilabas ko ang cellphone ko at sakto tumatawag si Ken. Sinagot ko.

"Hoy." sabi ko

"Di uso hello?" sabi niya sa kabilang linya.

"Ken, sunduin mo naman ako dito sa school."

"Bakit? Wala kang kotse?" tanong niya.

"Coding ko ngayon. Sagot ko gas mo, dali. Ang dilim na dito."

"Nasa party ako ngayon, invite sana kita. Andito sila Mandy eh. Sige intayin mo ko." sabi niya at ibinaba ko na.

Andito ako ngayon sa parking lot. 8:30 pm na wala pa din si ugok.

Nilapitan ako ng guard at sinabing mag sasara na sila.

Nakaramdam na ko ng antok wala pa din siya. Umupo ako sa waitingshed sa labas ng school namin.

∆∆∆

Nagising nalang ako andito parin ako sa waiting shed. Nakatulog na pala ako dito sa upuan at 10 na ng gabi. Napamura ako, shit na Ken yan!

Tinawagan ko siya. Sinagot niya naman. Ang ingay sa linya niya.

"Ken?! Fuck you!" bulyaw ko na ngayon ay pumapara ng taxi. Bullshit talaga.

"Hello? Who's this?"

Oh. Babae ang sumagot, lagot ka talaga saakin!

"Sino to! Girlfriend niya to! Punyeta ka ha! Sino ka?! Pag nakita kita, isasama kita kay satanas!" sigaw ko sa kabilang linya.

Nasa taxi na ko at tinitignan ako ng driver.

"Girlfriend.." ohmygod.

"...ko."

Nag tititili ako ngayon sa taxi at feeling ko pulang pula ako sa kahihiyan.

"W-Walang hiya ka! Hindi mo ko sinundo!" sigaw ko.

"Sinundo kita, wala kana sa parking lot. Pasarado na ang school. Anong hindi sinundo?" sambit niya. Mukhang lasing na ata buti naman para bukas walang maalala.

"Nasa waiting shed ako!" sigaw ko at ibinaba ko na ang linya.

Nakakahiya sa buong pagkatao ko.

Kaya pag dating ko sa apartment ko nag tatalon ako. At nag bukas ako ng Facebook ko at may nakita ako at lalong napatalon.

Darnnn you Gallardo!

Ken Gallardo is now in a relationship.

Aw shit. Walang nakatag pero malakas ang kutob ko.

Ako yun.

Pero hindi sa pag aassume ha pero yung kanina kasi-

/nag mura ng espanyol;

Nakakainis, nakakahiya!

Kaya bago pa ko sumabog eh natulog na ko.

Sana pag gising ko, walang hiya na ulit ako.

A Rebellious Black SheepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon