Chapter 5
"Hi Vin!" sabi ko ng masalubong ko siya sa hallway.
"Oh ikaw pala, Cinne. Bakit?"
"Ah eh. M-may date kana sa prom?" nauutal kong tanong.
Crush ko kasi siya.
"Date? Wala pa kong naiisip, may one week preparation pa naman. Ikaw ba?" baling niya saakin. Ang pogi niya talaga.
Pinaypayan ko ang sarili ko kasi kinikilig ako. Nag pipigil ako ng tili kaya nilapitan niya ko. Yung mas malapit.
"Anong nangyayari? Naiinitan ka ba?" tanong niya at nag aalala ata.
"Ih kasi! Wala pa kong prom date! Pw-pwede bang ikaw nalang?!" bulyaw ko sa kaniya kaya napayakap ako sa kaniya. Narinig ko siyang bumungisngis kaya napabitaw ako sa kaniya.
Inayos niya yung head band ko at ngumiti saakin. Oh my god, im dead.
"Sure."
and at that moment, i died.
Snap.
Nagising ang diwa ko ng tinawag ako ni Amanda kaya napabalikwas ako.
"A-ano yun?"
"You're not listening, Chania." aniya at inirapan ako.
"May naalala lang ako." sabi ko at nagpatuloy sa pagkain. Nasa isang restaurant kasi kami.
"Ang sabi ko, galawin mo na yung pagkain mo."
Napatingin ako kay Gavin na ngayon ay nakatingin saakin. Bigla akong nanlambot. The way he stares at me is so...
Bullshit. Nope, nope. Not this time. Not again.
Kinain ko na ang pagkain ko at minadali ito. Ewan ko, hindi ko na alam. Nakakainis, ano ba tong nangyayari saakin?
Lumabas kami ng restaurant at bumalik sa hotel. Ako ang huling naligo kaya nung pag labas ko tulog na sila. Pero ang ikinakaba ko lang eh, magkatabi matulog si Mandy and Ken. So meaning neto ay tabi kami ni Gavin...
So what. Tabi lang matulog. We're bestftiends, walang malisya to.
Wala si Gavin sa room, kahit sa balcony wala. Kaya nauna na akong nahiga.
Ipinikit ko ang mga mata ko at nag simula ng matulog.
∆∆∆
Nagising na ko and i found myself hugging Gavin and i feel so embarrassed and shit. Buti nalang ako ang naunang nagising at walang nakakita.
Dahan dahan akong gumalaw dahil ang kaniyang kamay ay nasa ulo ko. Baka kasi magising siya at malaman na sobrang lapit namin sa isa't isa. Kahit na ba nakayakap ako sa kaniya, hindi niya yun alam kaya mag tataka yun kung bakit ang lapit namin.
Ilang minuto ata at namamatay na ko sa kaba bago makawala sa mga kamay niya.
Tinignan ko siya. Walang pag babago, siya pa din yung Vin na minahal ko.
"Bakit Vin? May mali ba?" tanong ko habang nakikipag usap sa kaniya sa rooftop. Clichè ba kamo?
"Oo, Francinne. May mali. Mali to, mali tayo." sagot niya. Kitang kita ko sa mga mata niya na totoo ang mga binibitawan niyang salita.
"Bakit? Paanong naging mali?"
"Please don't make it hard for me, Cinne." nag buntong hininga siya.
"Ilang araw nalang at graduate na tayo. Alam ko nakakasagabal to sayo kaya itigil na natin."
"Never naging sagabal to saakin. You told me you like me diba? Trust me, Vin. We can make this relationship work!"
"You don't understand, Cinne." sambit niya at tuluyang nag lakad palayo.
"I love someone else."
at simula noon, pinasok ko na ang mundo ng mga miserable.
Ang mundo ko, ni Chania.

BINABASA MO ANG
A Rebellious Black Sheep
Teen Fiction"I've been called rebellious, wrong, different, a black sheep. Because I refuse to be what everyone else is."