Eight

13 5 5
                                    

Chapter 8

Nagising ako, 6 Am. Kaya naligo na ko dahil 9 am ang first class ko ngayon. At feeling ko maaga ako makakauwi dahil walang algebra ngayon at yung iba pang subject eh mga tamad ang prof.

Tgif. Thug.

Isang oras lang ang itinagal ko at ready na kong pumasok. Eight pa ang alis ko kaya nag Facebook muna ako.

Tapos may naalala ako, biglang nanlamig ang pagkatao ko. Feeling ko natatae ako.

At tama ang hinala ko kasi ang bungad nga saakin eh yung

Ken Gallardo is now in a relationship.

May 358 likes at may 34 comments. Kaya nag basa basa ako.

'Sino yan dude? Hahaha!'
'Omg, Catherine?'
'Catherine Cruz oh my god sis.'
'Congrats! Stay strong, Ken Gallardo Catherine Cruz <3'
'Congrats Ken! :)'
'Lucky. ((((:'

Gusto ko mag comment at pag mumurahin silang lahat. At bago ko pa balakin yun eh sinalo na ako ni Mandy na ngayon ay kaka comment lang sa rs status ni Ken.

Amanda Reika Izael Vasquez
"WHAT THE HELL IS THIS?! Hindi ko alam na mahilig ka sa hipon, friend! Oh my god!!!!"

Kaya tawang tawa ako. Pwe! Mag sama kayo nyan ni Catherine Cruzpy Shrimp. Crispy!!!

Nag comment din ako.

Chania Fajardo
"Nahanap mo na pala forever mo. Forever maharot girlfriend! HAHAHAHAHAHAHAHA no support. ✌"

Tunog bitter ba huh lampake. Hindi ko alam at bigla akong nag tungo sa banyo at nag lagay ng lip tint. Nag tataka ako kasi hindi na ako ganito dati, hindi ako self conscious.

At nalaman ko nalang na naka head band ako ng pink na may ribbon at inilugay ko ang mga bangs ko.

Anyare beh.

Lumabas na ko ng apartment ko at nag tungo sa kotse ko at pinaandar.

Humanda ka sakin Catherine the great hipon.

Pag dating ko sa room eh nalaman ko nalang na wala kaming prof. Oh diba sabi na nga ba at mapapaaga ako. First class, no prof. Kabog ha.

Pumunta ako sa cafeteria at nadatnan ko silang tatlo sa isang table. Oh fuck, not now.

"Chania?!" sigaw ni Amanda.

"Oh my goodness! Anong nangyari, bakit Francinne the high schooler ang peg mo today?!" sabi niya saakin.

"Wala nag papapansin ako sa crush ko pakealam niyo ba."

Nagkatinginan sila.

"Sino yang hayop na yan?" tanong ni Ken. Frustrated si ugok.

Napaisip ako. Sino ba yung crush ko? Teka kailangan ko ng lusot kasi mag tataka sila kung bakit ganito ang itsura ko ngayon. Maski ako nag tataka eh.

"Hindi siya hayop, ikaw lang hayop dito." sambit ko at inirapan siya.

"Sino nga?" tanong ni Gavin.

Shit, wrong move Chania. Wrong move.

"Si J-Joshua..."

I seriously don't know why I mentioned his name. No choice ako, and starting today I'll fucking ride at his back dahil sa sinabi ko.

"Oh really? That asshole?" sambit ni Ken.

"Yes." matigas na sabi ko.

"Hindi ako naniniwala, kayo naniniwala kayo?" halakhak niya at bahagyang napatango ang dalawa.

"Then don't believe me. Big deal?" sabi ko at inirapan sila. Sakto ng patayo ako nakita ko si Joshua kasama ang tropa niya.

Aww shit, I'm trapped.

Hindi ko alam ang gagawin ko kaya nanatili akong nakatayo. Nang mahagip niya ako ay nanlaki ang mata niya.

"Chania?" tanong niya. Kaya kahit labag sa katawang tao ko eh lumapit ako sa kaniya ng nakangiti. Gulat pa din siya ngayon.

At nung makapalit ako sa kaniya ay binulungan ko siya. Hindi yung bulong talaga pero sapat na para marinig niya.

"Grab my waist." bulong ko habang nakatingin sa kaniya ng nakangiti.

"W-What-"

"Just do it, okay?" tumango naman siya at ginawa iyon. Feeling ko sasabog ako ngayon sa mga pinag gagagawa ko.

Habang nakahawak siya sa bewang ko ay kinuha niya ang bag kong jansport at siya na ang nag bitbit. Lumabas na kami ng cafeteria at nakita ko silang tatlo na sinusundan kami ng tingin at nakanganga.

Nag flip hair ako.

Nang makalayo kami at napabitaw ako.

"Teka nga!" bulyaw ko. Inagaw ko sa kaniya yung bag ko kaya nagulat siya.

"Ganito," sabi ko at hinila siya palapit saakin.

"makinig ka saakin. Mag kakaroon tayo ng deal-"

"Ano yung kanina?" tanong niya na mukhang maiiyak na ata.

Nakaramdam ako ng awa. Kasi naman napaka bullshit naman.

"Eh kasi ano... Joshua, sorry talaga."

Napayuko siya.

"Joshua, biglaan lang talaga yung kanina."

Kaya kwinento ko sa kaniya yung nangyari kanina at tango naman siya ng tango. Nag karoon kami ng deal na mag m MU kami kahit gusto ko ng ilabas ang kalamnan ko sa sobrang hiya.

Tas pag katapos, syempre kakalat yung balitang MU kami kasi ano ba. Joshua Tan, pinaka poging varsity. Captain siya sa LSU basketball team. Then after a week, hindi na ulit kami MU.

"Ganito nalang, pagkatapos ng one week. Sasabihin kong may gusto akong iba." sambit niya.

"Pero ikaw ang sasalo lahat ng-"

"Kaysa naman sa ikaw, Chania? Ayokong ikaw ang sasalo ng mga kagaguhang ibabato nila." sabi ni Joshua.

"Pero sila Ken at Gavin-"

"Okay lang. Deal?" sambit niya.

Ngumiti ako sa kaniya.

"Deal." sabi ko at niyakap siya.

"Thank you." sabi ko at nakita ko si Ken na naglalakad at napatigil ng makita kami.

"Basta ikaw, Nia." sabi ni Joshua. Bumitaw siya sa yakap at kinalabit ko siya.

Let the act begin.

Pagkaharap ni Joshua ay nagulat din siya ng makita niya si Ken.

Tinanguan niya ito at umakbay na saakin. Nag lakad na kami palayo. Sana hindi mahalata.

Please be successful.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Rebellious Black SheepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon