Katotohanan

52 3 2
                                    

"Walang aalis sa bahay na ito di ba gusto niyong makapagpaghinga pwes ibibigay ko sa inyo" wika ng dalaga at sabay ang pagtawa ng parang baliw. At bigla ring pumasok ang caretaker ng bahay na may hawak na itak.
"Ayaw ko naman sanang gawin ito ehh pero alam niyo ba kung bakit namatay ang mga magulang ko dahil sa mga napakawalang-hiya niyong mga magulang. Ipinasunog nila dati ang Villang ito dahil sa ganda't gustung-gusto ito ng mga turista pero hindi nila alam ng mga magulang mo Larmie na nasa loob ng bahay na ito ang mga magulang ko at nasunog sila. Habang ang mga magulang mo Joshua dahil sila ang may hawak ng imbistigasyon sa sunog sinabi nila na aksidente lamang ang lahat dahil yun pala binayaran sila ng mga magulang ni Larmie upang hindi lumabas na sila ang may kasalanan kaya dapat lang na ipaghiganti ko sila" nangi-ngiyak na wika ni Erika. Hindi pa nagtagal, hindi napigilan ni Erika ang emosyon niya pinagsasaksak niya ang magkasintahan ng walang awa at pinugutan pa ang mga ito. Tuwang-tuwa ang mag-ama sa kanilang ginagawa. Nabuhay ang kanyang ama dahil nailigtas siya ng dati nilang caretaker sa Villa. Simula noon, lumayo-layo na sila doon at tuluyan ng pinasara ang VILLA DES MONYOS dahil sa nangyari at nabuhay sila ng masaya.

A/n: Sana po nagustuhan niyo
Love you all ❤❤❤

Villa Des MonyosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon