"Kulang pa yan sa ginawa mong paglalandi kay Eugene" wika nito.
Sa may di kalayuan, habang nagalalakad si Eugene may napansin siyang sumusunod sa kanya. Isang taong nakamaskara at may hawak na malaking itak. Agad siyang tumakbo at nagsisigaw. Bigla na lamang siyang nagulat ng my sumaksak sa kanya sa harapan at pinugutan ng ulo. Tuwang-tuwa naman ang gumawa sa kanya nito.
"Sayang, mahal pa naman sana kita kaso iba minahal mo kaya nararapat lang sayong mamatay" wika nito habang hinahalikan ang labi ng binata. Bigla naman nakrinig ng sigaw ang magkasintahan alam nilang boses yun ni Eugene kaya agad silang tumakbo sa loob ng bahay nasalubong nila si Erika. "Oh, bakit kayo tumatakbo?" tanong ng dalaga. Sabay namang sumagot ang dalawa "Narinig kasi namin na sumigaw si Eugenw" nanginginig na sabi ng dalawa. Ngumiti lamang si Erika. Kumaripas naman ng takbo ang magkasintahan upang kunin ang kanilang gamit sa taas at umuwi na. Habang sila'y nag-aayos bigla namang nagsalita si Larmie. "Sabi na nga ba ehh may kakaiba dito, simula pa nung pumasok tayo dito nakaramdam na ako ng takot at kaba. Sasagot na sana ang binata ng biglang may kumatok sa sa pintuan ng tatlong beses.
"Si Erika ito, gusto ko kayong makausap" wika niya.
Binuksan naman ito ni Joshua at agad niyang sinabi na aalis na sila dito. Ngunit biglang nanlisik ang mga mata ni Erika at kinuha ang pocket knife sa kanyang bulsa.A/n: Gravy !! Sobra na yata ang ginagawa ni Erika. BAKIT KAYA NAGAGAWA NIYA ITO SA KANILA? keep reading. Vote and Comment. Needed

BINABASA MO ANG
Villa Des Monyos
Mystery / ThrillerCast: Larmie Jimenez Joshua Rombaoa Angelica Diaz Eugene Magno Erica Llaneta