"Nakaistorbo ba ako sa pag-uusap niyo?" tanong ni Erika. Sabay namng nagsalita ang dalawa."Hindi" tugon nilang dalawa. Hindi pa nagtagal bigla silang nakarinig ng busina ng sasakyan at may sumigaw .
"Halina kayo" sigaw ni Larmie kasama na pala niya si Joshua. Agad namang nagsipasukan ang mga magkakaibigan sa napakagandang sasakyan ni Joshua. Halata mo sa lahat ang pagka-excited.
Habang nasa kahabaan sila ng biyahe kanya-kanyang pinagkakaabalahan ang lahat may kumakain, nakikinig ng musika, at may nakatulog. Binasag ni Larmia ang nakakabinging katahimikan sa loob ng sasakyan.
"Erika saan ba banda ang bahay niyo dito" tanong ng dalaga. Agad namang sumagot si Erika.
"Diretso lang malapit na tayo pag may nakita kayong karatula na may nakasulat VILLA DES MONYOS yun na ang bahay namin" wika ni Erika na may ngiti sa kanyang labi.
Hindi pa kalayuan, nakita na ni Joshua ang karatula at agad hininto ang sasakyan. Naalimpungatan ang mga tulog dahil sa paghinto ng sasakyan at sa paggising ni Joshua sa kanila. Sabay-sabay silang pumasok sa bahay. May kalakihan ang bahay at kalumaan ito. Kumatok si Erika ng tatlong beses sa pinto ngunit walang nagbukas. Pinihit niya ang doorknob at agad silang pumasok. Sinalubong sila ng malakas at malamig na hangin mula sa bahay, may kalumaan din ang mga gamit at mukhang antik ang mga ito. Kinilabutan ang lahat sa nangyari napayakap si Larmie sa kanyang kasintahan at muntik na rin si Angelica napayakap kay Eugene.: MAbilisan nlng po ang pag update busy na nian sa school ehh. Sana po magustuhan niyo
Vote & Comment accepted.

BINABASA MO ANG
Villa Des Monyos
Misterio / SuspensoCast: Larmie Jimenez Joshua Rombaoa Angelica Diaz Eugene Magno Erica Llaneta