Paghihiganti: 1

33 2 0
                                    

"Ganyan talaga dito sa bahay may pagkapresko dahil sa mga puno't halaman na nakapalibot dito at pagpasensyahan niyo may pagkaluma na ang bahay na ito" wika ni Erika na may nakasuot na misteryosong ngiti sa kanyang mga labi.
Agad silang umakyat sa taasng bahay upang ipunta sila ni Erika sa kani-kanilang kwarto.
Mag-gagabi na nung makarating sila sa bahay. Halata mo sa lahat ang sobrang gutom at pagod dahil sa biyahe. Inutusan ni Erika ang kanilang caretaker upang magluto ng hapunan. Pagkatapos nilang kumain agad silang nagtungo sa kani-kanilang kwarto upang magpahinga.
Kinaumagahan unang nakagising si Eugene. Magmumuni-muni siya habang pinagmamasdan ang maganda at malawak na Villa ng bigla niyang naisipan maglibot-libot dito. Nakita naman ito ng caretaker ng bahay. "Saan ka pupunta?" tanong nito na nakangiti. "Maglilibot lang po" wika nito. Agad namang tumango ang caretaker upang payagan ang binata. "Basta mag-ingat ka sa mga mababangis na hayop sa paligid" wika ng caretaker.
Nakagising na ang lahat at nakahanda na rin ang kanilang agahan. Habang sila'y kumakain biglang nagtanong si Angelica."Saan nga pala si Eugene?" curious niyang tanong. Bigla naman nagsalita ang caretaker at sinabi na namasyal lang daw siya saglit. Pagkatapos nilang kumain lumabas ang magkasintahan sa malawak na garden ng Villa at nagpaalam naman si Angelica upang maligo sa kanyang kwarto. Habang naliligo ang dalaga may narinig siyang mga yapak papunta sa kanya. Nagsimula namang magpatay sindi ang ilaw sa banyo. At bigla na lang may humila sa paa niya at nabagok siya sa may bowl at nabitak ang kanyang ulo sa sobrang lakas, halos kumalat ang utak niya sa loob ng banyo. At my bigla na lang may nagsalita sa labas ng banyo.

A/N: Oh my God ! Sino yung nagsalita ?
Sana nasusundan niyo po ang takbo ng kwento ko

Villa Des MonyosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon