Chapter One

75 4 0
                                    

Empire University. Hanggang ngayon namamangha pa din ako habang pinagmamasdan ang napakataas na gate nito. Hango sa pangalan ang istruktura ng nasabing unibersidad, mala emperyo sa laki at ganda. Studying at Empire has been a birthright for children of most elite families. Pero hindi siya pumunta doon bilang isang estudyante. Personal assistant siya ni Thyrone Mondragon, isang professor at stockholder ng nasabing unibersidad.

"Haay! Ang hirap naman kumita ng pera" reklamo niya habang bitbit ang mga gamit ni professor Thyrone papunta sa Business Administration building ng Empire University.

Nakakunot ang noo na napatingin siya sa dalawang estudyanteng nag uusap sa hallway. Kung hindi siya nagkakamali ang heirs ng Empire Un­­iversity na sina Tyler James Mondragon at Khyler Tecsamana ang nakikita niya. Napapangiti siya habang pinagmamasdan ang gwapong nilalang sa harap niya.

"Napakaswerte ng mga babaeng mamahalin ng mga ito kung sakaling ititigil nila ang pagiging babaero" nailing na sabi pa ng isip niya.

Nasa tapat na siya ng dalawang binata ng matapilok siya. Mabuti na lang mabilis ang reflexes niya agad niyang nasalo ang personal na gamit ni Prof. Thy.

" Whoa muntik na yun" nanghihinang napasandal siya sa pader. Mabangong pader.

"Mabangong pader?!"

"Aww shit!" Napalundag siya ng makita ang galit na mukha ni Tyler James. Tuluyang bumagsak ang mga gamit na dala niya.

"Kung mamalasin ka nga naman talaga" bubulong bulong habang pinupulot niya ang kawawang gamit ni Professor Thy.

"Is that on purpose, li'l jinx?" narinig niyang tanong ni Tyler na nagpakulo sa dugo niya.

Hinarap niya ito, tumingkayad at pinitik sa noo.

"Hindi ka din mayabang noh? Sinong siraulo ang magkakalat ng gamit para magpapansin lang sa isang gwapo na gaya mo" lumingon lingon pa siya sa ibang estudyante na nakikita niya. "..eh napakadaming gwapo at mayaman din dito" nakataas ang kilay na saad niya.

Sa halip na magalit nakangisi pa ito sa kanya.

"Kid huh.. look who's talking? Li'l jinx, you have a sharp tongue but it won't move me. I'm far richer than them. Remember I own an Empire." Sabi nito bago siya tinalikuran.

Naitirik na lang niya ang mga mata sa kayabangan nito at mabilis na nagpunta sa classroom ni Professor Thy.

" Whoa cuz, grabe talaga ang karisma mo iba iba ang strategy para mapansin mo" nakangising tudyo ni Kyler, "manang mana ka talaga saken" .

"Insane. She's gutsy but not pretty" naaasar na saad nya. Napansin niya na nagdaydreaming ito habang nakatingin sa kanila. Hindi niya inaasahan ang pagsandal nito sa kanya hindi niya masabi kung intentional o hindi ang reaction nito. Pero bigla itong nagulat kaya natuluyang bumagsak ang mga gamit na dala nito.

"Hi,Tyler and Kyler." bati ng mga classmate nilang babae sa kanila.

"Hello babes" bati ni Kyler sa mga ito sabay kindat na ikinakilig naman ng mga ito.

Wala siya sa mood magflirt ngayon kaya hinayaan na lang muna niya si Kyler na solohin ang brutal nilang gawain. Asar pa din siya sa kutong lupa na pumitik sa noo niya.

"That bitch!"

Maya maya napalingon siya sa pumasok sa classroom nila. Ang kutong lupa diyata't sinusundan siya.

"Are you following me?" magkasalubong ang kilay na sita niya dito.

"Malas layuan mo ako pleaseee.." piping pakiusap niya sarili ng makita si Tyler na pumasok sa classroom ng boss niya. Papasok pa lang siya ng mapansin niya si Tyler na animo di makapaniwala na nasa harapan na naman siya nito.

The Emperor's WitchWhere stories live. Discover now