Chapter Eight

16 1 0
                                    


Tumakas si Payne sa clinic at agad na dumiretso sa Hidden Leaf. Animo susugod sa giyera ang hitsura niya ng maabutan niya si Bryan sa may counter, ang supervisor doon.

"Hi, Ms. Payne!" tagilid ang ngiting bati nito.

"Bryan, asan si Cale?" masama ang tingin niya dito.

"Ms. Payne easy lang. Halika may iniwan kasi si boss sayo."

Sumunod siya sa loob ng office nito. Inalalayan siya nitong maupo may kinuha ito sa drawer at iniabot sa kanya.

"Ano yan?"

"Tablet ni boss pinabibigay niya sayo."

"Bryan, ang tanong ko ang intindihin mo. Asan si Cale?"

"Haynaku Ms. Payne. Intindihin mo din ako. May message dyan si boss para sayo."

Si Bryan na mismo ang nag open sa file at nagplay niyon. 

Bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Cale.

"Hi Bonsai! Miss me already?" panimula nito and flash his great smile.

"For sure you're this angry and you think of pulling all of my hair now." animated pa ang action nito sabay hawak sa magandang buhok nito.

"Bwisit ka Cale."

"Bonsai I'm sorry because I've never been honest from the start. You see I have a weak heart.." he paused. "Ang galing ko noh hindi mo man lang napansin. I-I'm just so afraid to take risk that I even take Ayah for granted." malungkot na paliwanag nito. "I'm just waiting for my death when I met you. Strong willed, hardheaded girl. " sabi nito sabay tawa. "Nainggit ako kaya nagdecide ako na kailangan ko ng ituloy ang operation ko. Medyo nagulat nga sina Mama ng sabihin ko yun. Oh wag ka munang magsaya. Seventy percent ang success rate ng heart surgery sa America. Kailangan ko munang magpalakas para maihanda ako sa operation. If ever na magising ako. Promise babalik agad ako. Alam mo na. I'm looking forward to the crimes we're about to commit. 

Natawa ito na parang may naalala bago muling nagsalita. 

" Alam mong sinusuportahan kita sa kumikitang kabuhayan mo." pabirong kantyaw pa nito. "Basta ipangako mo na babantayan mo ang Hidden Leaf at si Ayah. In exchange tutulungan kita sa love life mong wala ng pag asa. I love you Bonsai."tumikhim muna ito na parang may nagbara sa lalamunan nito. "Hindi ko ipapasabing mahal ko si Ayah. Kaya wag kang magkakamaling sabihin yun sa kanya. Ayoko siyang umasa at mapagod sa paghihintay pero kapag.. kapag nakabalik ako magtatapat ako sa kanya. Kaya ingatan mo ang sarili mo at idamay mo na din si Ayah. " malungkot na ngumiti ito bago nawala sa screen.

Hindi niya alam ang mararamdaman sa napanood niya. Pareho lang sila ni Cale na may itinatago. Wala ding itong alam sa kawalan niya ng emosyon sa ganoong pagkakataon. She spaced out again.

Awang awa si Bryan ng makita si Payne na tulala. Hindi talaga niya maintindihan ang boss niya at hindi man lang nakuhang magpaalam ng personal dito. Nabigla ito sa nangyari. Gustuhin man niya itong aluin pinili na lang niyang abutan ito ng tissue kung sakaling umiyak ito. Tinapik niya ito sa balikat at lumabas sa opisina.

Nagulat siya ng makita si Tyler James sa Hidden Leaf.

"Emperor, let's leave her alone."

Nakakaunawang tumango naman ito sa kanya.

Hindi maiwasang tingnan ni Tyler James si Payne habang nagdidribble ng bola. Simula ng umalis ng bansa si Cale, mas madalas na gumawa ng kalokohan ang dalaga. Pakiramdam niya humingi siya sa pinsan niya ng batong ipinukpok sa sarili niyang ulo. Plano niyang maging laruan ito kapag bored siya pero mas mukha siyang gurdian ng isang bata.






You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 18, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Emperor's WitchWhere stories live. Discover now