Chapter Three

23 1 0
                                    

"Hey Pops kita mo nakapasok ako sa school na lagi ko lang tinitingnan." Nakangiting kwento ni Payne sa picture ng tatay niya ng magising siya kinabukasan. "Hindi ko lang alam kung swerte o malas ang magiging experience ko dun. Babantayan mo naman ako, hindi ba?" tanong pa niya sa nakangiting mukha nito.

"Hoy bakla matakot ka kapag sinagot ka ng tatay mo diyan. Malelate ka na kung hindi ka pa kakaen." aburidong sita sa kanya ng kaibigan niyang si Loubelle. Ito ang kasama niya sa apartment na inuupahan nila sa Pasig.

Pinanlakihan lamang niya ito ng mata bago dumulog sa mesa. Si Lou Beltran a.k.a Loubelle ang baklang kaibigan niya na nagtago matapos malasing at magladlad sa birthday ng daddy nito.

"Wag mo akong titigan ng ganyan at kinikilabutan ako"

"Aba dapat lamang kilabutan ka!" sabi niya sabay kagat hotdog na paboritong pagkain niya sa umaga.

"Hindi ko pa rin nakakalimutan ang kamalasan na inabot ko sa ginawa mo." Paalala niya dito.

"Kaya nga bumabawi ako sayo bakla." Nakasimangot na sagot naman nito.

"Magsorry ka lamang sapat na. Sige na magsorry ka na." nakangising sabi pa niya.

Nagdadabog na nagwalk out ito sa halip na sagutin siya. Natatawa na lamang siya sa inasal nito hindi nito ugaling magsalita ng "sorry". Gumagawa lang ito ng paraan para makabawi. He's a spoiled brat because he really came from a wealthy family. Natuto lang ito ng gawaing bahay ng pinili nitong sumama sa kanya.

"Hoy bakla pumasok ka na nga! Oh ayan bumubusina na ang sasakyan ng amo mo. Bilisan mo na nga at sumasakit na ang tenga ko sa ginagawa niya" iritadong sita nito sa kanya.

"Siya pa galit." tinirik na lang niya ang mata saka isinubo ang kalahating hotdog na hawak niya. Ngumunguyang tumayo na siya at binitbit ang backpack niya. Ang mukha ni Tyler na hindi na maipinta ang bumungad sa kanya paglabas niya ng gate.

"So slow witch" iritadong sita din nito sa kanya.

Nilunok muna niya ang nginunguyang hotdog bago nagsalita. May andropause yata ang mga lalaking nakakausap niya ngayon.

"Wow ha ang aga mo naman. Privilege ba ng assistant mo na sunduin siya ng amo niya." Sarcastic na tanong niya ng makalapit sa sasakyan ni Tyler James.

"No, being my driver is also part of your job." Nakataas ang kilay na paliwanag pa nito bago lumipat sa passenger seat.

"Feel na feel talaga." gigil na bulong niya bago pinaandar ang makina. Simula pa lang ng umaga sirang sira na.

"Hey witch, get out of this damn car?"

Nagulat s Payne ng marinig ang boses ni Tyler sa tapat ng tenga niya.

"Bakit?"

"Wala ka bang planong bitiwan ang manibela?" sita nito sa kanya.

Noon lang niya napansin na mahigpit pa din siyang nakahawak sa manibela.

"What are you thinking? We're going to be late."

"Sorry." sabi niya at mabilis na bumaba ng sasakyan para pagbuksan ito ng pinto.

"I already arrange your schedule so I can call you whenever I need you."

"May magagawa pa ba ako? Gusto mo yan eh" putol na lang niya sa gusto pang sabihin nito.

"Whatever! See you witch."

Wala siyang nagawa kung hindi pumunta sa klase niya. She's taking up Hotel and Restaurant Management. Sa totoo lang ay hindi naman niya gusto ang napiling kurso pero naiisip niya na mas makakahanap siya agad ng trabaho kapag nakatapos

Pagpasok ni Payne sa classroom naramdaman agad niya na pinapangilagan siya ng mga kaklase niya. Most of them are true snob. Their appearance and outfit shows how wealthy they are. Pinili niyang kalmahin ang sarili kesa pangibabawan ng panliliit sa mga ito.

"Good morning" nakangiting bati niya sa klase. Ni hindi man lang siya nagawang sulyapan ng iba o gantihan ng bati. Some even mock her or try to insult her with their stare. Maybe because of her simple get up. It's the real deal in their world but she's not going to bow down or let them step to her.

Balewalang naglakad na lang siya patungo sa bakanteng silya na alam niyang nakalaan para sa kanya. Oobserbahan na lang muna niya ang mga kaklase niya.

"Geez, she's another trash in our school." parinig mga ito sa kanya.

"Yeah, you're right!" sang ayon naman ng ilang kaklase niya bago tumingin sa kanya.

Sa halip na mainis isang matamis na ngiti ang ipinakita niya na ikinataas ng kilay ng ilan sa mga ito.

"Wow, how can you do that?" napalingon siya sa katabi niya ng magsalita ito. She caught herself staring at one of the handsome man in their school. Ipinilig niya ang ulo at umiling iling.

"Nah, wala naman akong mapapala kung maiinis ako sa kanila. Sila ang may problema sakin."

"I like you" nakangising pahayag nito.

"Same here. By the way I'm Payne." aniya sabay lahad ng kamay dito.

"Cale Zalbarre" sagot nito bago nakipagkamay sa kanya.

"It seems that you're not one of them."

"Nah! I hate their kind. As if they have everything that life can offer." panggagaya nito na ikinatawa niya.

"Sus, nagcomment ang rich kid."

"It depends on the attitude dear." natatawang sagot naman nito.

"Can I ask you something? Baka isipin mo tsismoso ako kaya nagpapaalam na ako sayo. Are you somehow connected to the Empire's heirs?"

"Hindi ka pa tsismoso ng lagay na yan ha?"

"Well?"

"I'm someone's assistant. The arrogant one."

Bahagya itong natawa sa komento niya. Tumikhim ito ng pinagtaasan niya ng kilay.

"It's Tyler, right?"

Nakangusong tumango siya.

"So, care to tell me your story?" nakangiting tanong pa nito.

Ramdam niya ang kabaitan nito kaya ikinuwento na niya ang simula ng nagulong buhay niya. They really hit it off. It must be the start of a new friendship. Mukhang panibagong sakit ng ulo na naman ang haharapin niya dahil ramdam niya ang matatalim na tingin ng mga dalagang may gusto sa binata especially Charmaine, the bitch brat of their class.


����߈








The Emperor's WitchWhere stories live. Discover now