Chapter Four

18 1 2
                                    

Come on Cale just answer your damn phone! Kinakabahan siya kapag hindi nakarating kay Lorah ang mga pinabigay ng kliyente nila. Mahirap ng masira ang reputasyon ng kumikitang kabuhayan niya.

"Hey witch, are you listening?" galit na sita ni Tyler James sa kanya. Kasalukuyan silang magkakasama nina Khyler at Cane sa tambayan ng mga ito.

"Huh?"

"You're spacing out again. Geez what have I done to deserve some assistant like you?" iritado na namang sabi nito

"May iniisip ako eh. Masama na bang mag isip ngayon?" iritado din niyang sagot.

Natatawa naman sa kanila ang dalawa.

"Sinabi ko ba? As I said, you need to buy some flowers."

Nagningning ang mata niya sa narinig. Mukhang kikita na naman siya dito.

"Shoot! For whom?"

"It's for Charmaine."

Napatitig siya dito. Huwag lang talaga ang kaklase niyang bruhilda ang planong pormahan nito. Wari'y nahulaan nito ang nasa isip niya.

"I have some date to attend to. Besides she's your classmate."

Daig pa niya ang pinakain ng sampalok matapos marinig ang sinabi nito.

"Teka bakit ako pa ang magbibigay?" turo pa niya sa sarili. "Bakit mo pa pabibigyan ng bulaklak, eh may date ka palang iba?" tanong pa niya.

"Why do you always question my order witch?"

"Sabi ko nga gagawin ko di ba?" ngitngit pagsang ayon na lang niya. Of all people na liligawan nito ang maarteng kaklase pa niya.

"Cane sama ka ha." naiinis na kalabit niya sa kaibigan.

"Can I tag along?" animo batang tanong ni Khyler sa kanila,

"No"

"Hindi"

Natawa pa sila ni Cane ng makitang halos pareho na ang mukha ng magpinsan.

"Yow Bonsai!" nakangiting sigaw ni Cale sa kanya, her partner in crime.

"Green eyed monster." Sumenyas siya dito at nag usap sila sa mata. He winked at her. It only means mission accomplished.

Nakahinga naman siya ng maluwag. Kanina pa niya ito kinokontak kaya naman pala hindi nito sinasagot ang tawag niya nakikipag landian na naman ito. Salubong ang kilay na nakatingin naman sa kanila si Tyler James.

"How do you know Cale Zalbarre?"

"Classmate ko siya. Bakit?"

"He used to wink at you."

Napangiwi naman siya.

"Yun ang way niya ng pagbati."

"Whoa, he must think you as a chick then. Wala siyang taste." smug pang ngumiti ito.

Naiinsultong ibinagsak niya ang gamit sa harap nito.

"Grabeh ang taas ng taste." Balik insulto niya dito.

"But of course! I have a status to take care of. And you're out of our league including his." tukoy pa nito kay Cale.

Gigil na dumukot siya ng piso sa bulsa ng pantalon niya at ibinato sa mukha nito. Sapul ito sa noo.

"Shit! You witch!" pulang pula ito sa galit at pagkapahiya sa mga taong nakakita sa kanila.

"What the hell's your problem?"

"Ibili mo yan ng kausap mo!" kunsumidong sabi niya bago niya ito binirahan ng alis.

"Where do you think you're going?"

"Sa paraiso. Sasama ka?" pabalang na sagot tanong niya.

Napaatras ito na animo hindi makapaniwala sa sinabi niya. He never fails to insult her.

"No thanks! Just don't forget the flowers, okay?"

Pinaikot na lang niya ang mga mata bago nagmartsa palayo dito. Kailangan na niyang pumunta sa Hidden Leaf- Cale's garden.

Nakatingin lang si Tyler sa papalayong pigura ni Payne habang hinihimas ang nasaktang noo. He made her mad again because she always brings out the worst in him.

"You keep on pissing her off." komento ni Khyler. "Masakit ba?" tanong nito na hindi naman concern kung hindi nang aasar lang.

"Kapag nag aaway kayo lagi niyo kaming nakakalimutan. Inaya ako ni Payne pero iniwan din niya ako." nakalabing saad ni Cane sa kanila.

"Pwede mo naman siyang sundan." Nakaismid niyang sagot sa dalaga.

"Wag na sigurado naman na may magcomfort sa kanya."

"Who?" sabay pa nilang tanong ni Khyler.

"Si Cale, who else? Best buddy ni Payne yun."

"Kelan pa?"

"What? Wala ka man lang kaalam alam sa buhay ng assistant mo? Kalseng amo ka?" exaggerated na sabi ni Cane sa kanya.

"Do I have to? She's just my assistant."

"Tyler James hindi ko alam na ganyan ka na kaarogante ngayon. Hindi ka naman dating ganyan ah."

"Enough Cane!" putol na niya sa iba pang sasabihin ng dalaga. Binalingan niya si Khyler. "Khyler we have to go. We have an important date."

"Where to?"

"Momsie's expecting us today."

"Oh my! Why didn't you tell me earlier?" Khyler gave him a murderous look.

"Sorry cousin. I was surprised too when she called me a while ago." paliwanag niya dito. Khyler's always uneasy in front of their grandmother.

"Wonder why she's here."

"Khyler.. you know how impatiet Momsie is." paalala pa niya dito. "She even ordered Mang Foro to pick us up."

"Fine!" walang nagawang sagot nito. "Ihatid muna natin si Cane sa unit niya."


������






The Emperor's WitchWhere stories live. Discover now